Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu'n ka pa rin hanggang ngayon! | Bandera

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Ervin Santiago |August 01,2022
facebook
share this

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Ervin Santiago - August 01, 2022 - 08:11 AM

PROUD na proud ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis sa kanyang sarili at sa lahat ng mga na-achieve niya sa career at personal na buhay.

Sa selebrasyon ng kanyang 27th birthday nitong nagdaang Biyernes, July 29, binati niya ang sarili kalakip ang mensahe para kay “Kiray Celis” at sa lahat ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Sa Instagram, ibinahagi ng komedyana at dating child star ang ilang litrato sa kanyang IG followers na may caption na, “Happy happy birthday, Self! Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n pa rin hanggang ngayon.”

Ayon pa sa Kapuso actress, hindi rin naging madali ang paglaban sa mga challenges na dumating sa buhay niya at ng kanyang pamilya ngunit sa kabila nito, nakatayo pa rin siya nang bonggang-bongga at patuloy na lumalaban.

“Kahit pagod ka na, pinapahinga mo lang. hindi ka sumusuko. Patuloy mo lang mahalin at tulungan yung pamilya mo. Kahit hanggang sa magka pamilya ka,” pahayag ng komedyana.

Sa isa namang Instagram Story ni Kiray, ipinasilip din niya sa mga netizens ang ilang kaganapan sa kanyang birthday celebration kung saan nakasama niya ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Base sa nakita naming mga litrato sa IG, maraming nagregalo kay Kiray ng SpongeBob SquarePants-themed birthday cake dahil nga super favorite niya ang nasabing cartoon character.

Nagpasalamat din si Kiray sa lahat ng bumati at nakaalala sa kanyang kaarawan, lalo na sa family niya na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya kahit na anong mangyari.

“Kaya sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa ’kin hanggang ngayon, Salamat sa inyo. Kayo ang nagpapalakas sa ’kin,” sey ng komedyana.

Nauna rito, sinabi ni Kiray na super happy din siya sa kanyang lovelife kaya wala na siyang mahihiling pa dahil feeling ng aktres natagpuan na niya ang kanyang “the one.”

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia, “Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family-oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko.

“Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganu’n niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko,” sey ni Kiray sa isang panayam.

Nabanggit din ni Kiray na napag-uusapan na rin nila ni Stephan ang pagpapakasal pero ayaw naman niyang maging asyumera sa pagpo-propose ng kanyang dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta ang hirit ng dalaga, dapat daw hindi bababa sa P500,000 ang halaga ng ibibigay sa kanyang engagement ring ni Stephan. May ganern! 

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Kiray naiyak nang makaharap ang delivery rider; inabutan ng ayuda

Kiray: Sa mga girls, hanapin n’yo ‘yung lalaking hindi lang kayo ang mahal kundi pati ang mga taong mahal n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending