Sharlene San Pedro binanatan, tumangging magpa-selfie sa fan

Sharlene San Pedro
HINDI nagpasindak ang Kapamilya actress na si Sharlene San Pedro sa mga bashers na bumatikos sa pang-iisnab daw niya sa isang fan.
Viral ngayon ang isang video kung saan makikita ang pagrampa ni Sharlene sa naganap na ABS-CBN Ball 2025 sa isang hotel sa Quezon City nitong nagdaang linggo.
Inakusahan ng mga netizen ang aktres ng kung anu-anong masasakit na salita matapos siyang tumanggi na magpa-selfie sa isang fan sa entrance ng naturang venue.
Sa pamamagitan ng kanyang X (formerly Twitter) account, bumuwelta si Sharlene sa mga nag-post ng hate messages laban sa kanya.
Paglilinaw ng dalaga, sumunod lang daw siya sa rules and instructions sa kanya ng mga namamahala sa ABS-CBN Ball at isa na nga riyan ang pagbabawal sa kanila na magpa-selfie sa mga taong nasa venue ng event.
View this post on Instagram
Bukod dito, marespeto rin niyang sinabi sa taong gustong magpakuha sa kanya na bawal ito.
“Uy viral pala ‘yung isang video ko sa facebook. sumunod lang naman ako sa sinabi sakin na bawal, parang kasalanan ko pa,” ang pahayag ni Sharlene sa kumalat na video.
Naloka pa ang aktres dahil tina-tag pa raw siya ng mga bashers sa mga negatibong comments laban sa kanya. Pero sey ni Sharlene, hindi na lang siya nagpaapekto sa mga pangnenega sa kanya.
“Saka okay lang sakin masabihan ng masungit kasi hindi naman totoo so hindi ako nasasaktan.
“And to set the record straight hindi ko po gusto ng atensyon that night.. umattend lang po ako,” aniya pa.
Marami namang nagtanggol kay Sharlene laban sa mga haters, at isa na nga riyan ang member ng BINI na si Gwen. Malapit na magkaibigan ang dalawa kaya hindi nakatiis si BINI Gwen na dumepensa.
“Pag di ka pumayag magpicture matik attitude shempre,” komento ni BINI Gwen sa X post ni Sharlene.
Sey naman ng isang fan ni Sharlene, “Napanuod ko nga yun millions ang views, at alarming ng comments mostly ng kanegahan na comments, galing pa sa matatanda na ang quick mang judge Kaloka. Nanita ako ng matanda dun sila pa galit, opinion nya daw kasi yun.”
Natuwa naman ang Kapamilya actress sa mga kumampi sa kanya, “Salamat po sa mga nagtatanggol.”
Pagkatapos ng ABS-CBN Ball ay nag-post pa si Sharlene ng photo sa kanyang Instagram page kung saan ibinandera niya ang suot na sparkling all-white gown na pak na pak sa theme this year na Spring Formal.
“Went to the ABS-CBN Ball last night and turned 26 somewhere along the way,” ang caption ng dalaga sa kanyang post. Ipinagdiwang ni Sharlene ang kanyang 26th birthday last April 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.