JK Labajo, Darren Espanto nagkabati na sa ABS-CBN Ball 2025?

NA-HAPPY at na-good vibes ang mga netizens nang bumandera sa social media ang litrato nina Juan Karlos at Darren Espanto.
Ang tanong nila – totoo nga kayang nagkabati na ang dalawang Kapamilya singers nang muling magkrus ang landas nila sa naganap na ABS-CBN Ball 2025 last Friday?
Base sa nakita naming photo na kuha nga sa nasabing Kapamilya event na ginanap sa Solaire Resort North, Quezon City, tila nag-uusap nga sina JK at Darren.
Ang nasabing litrato ay bahagi ng carousel photos na ipinost ng news anchor na si Karen Davila sa kanyang Instagram account kung saan hindi sinasadyang nakunan ang dalawang singer-actor.
Sa naturang litrato ay may isa pang kausap sina Darren at Juan Karlos pero nakatalikod ito sa kamera.
Ayon sa mga fans, sana nga raw ay nagkaayos na ang dalawang Kapamilya stars na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noong 2018. Batchmates ang dalawa sa “The Voice Kids” noong 2014.
May kumalat kasing post sa Twitter (X na ngayon) noon na umano’y galing kay JK na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.” Nag-viral agad ito at na-bash nang bonggang-bongga si JK.
Pero mariin itong pinabulaanan ni Juan Karlos at nanindigang hindi siya ang nag-post nito. Depensa niya, baka na-hack ang kanyang account.
View this post on Instagram
October 22, 2018, nang i-repost ni Darren sa kanyang social media account ang screenshot ng tweet daw ni Juan Karlos na may date na October 19.
Hindi naniwala si Darren sa palusot umano ni Juan Karlos na “hacker” ang nasa likod ng malisyosong tweet nito.
Sey ni Darren, “Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo.”
Nagalit din si JK dahil ipinost pa raw ni Darren ang isyu nila sa socmed kahit na nilinaw na niya ito sa pamamagitan ng palitan nila ng PM o private message.
Isinapubliko rin ni Juan Karlos ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Darren kung saan nilinaw niya na may ibang taong gumamit ng kanyang Twitter account.
“Just so you know hindi ako yun. ask mca (Music Inc., record label nila noon ni Darren) if you dont believe me. someone else is using my twitter account.
“So you better tell your fans and/or family to calm the f*** down because the last thing i f****** want is to be accused of something i didnt f****** do. cheers,” sabi ni JK na ang
Sagot naman ni Daren kay Juan Karlos, “Prove it and man up! I am just here and ready to show the world who the real GAY one is.”
Kasunod nito, nagsampa ng cyberlibel case laban kay JK ang nanay ni Darren na si Marinel Gonzales-Espanto noong 2019 pero ang balita, na-dismiss na raw ito.
View this post on Instagram
Sa presscon ng first major concert ni JK na “Juan Karlos” last year, natanong ang binata tungkol sa nasabing kaso. Aniya, “A lot of things are definitely blown out of proportion. A lot of things are unnecessarily expounded into this massive thing that it shouldn’t have been in the first place.
“So, there’s a huge aspect of assumption and also this huge aspect of people publicly just buying and biting whatever they see first online without knowing the whole story, the whole context.
“Ako naman, in this point in my life, again, it wasn’t like I’ve been also talking about the whole time. I can focus my energy on the things that I can control.
“Kung ano ang paniwalaan ng mga tao, or kung ano ang gustong isipin ng mga tao, I mean, I don’t care. Kasi, like, it’s out of my control. People’s opinions and emotions in whatever they wanna believe in is out of my control,” aniya.
Sa tanong kung kumusta na ba talaga sila ni Darren, “That’s something that I don’t wanna talk about, definitely. It’s not something that’s part of my day-to-day thoughts.
“Ako naman, on my end, without mentioning anybody, it’s really… we’re all grown-ups here. E, ako, more than anything, love is what matters most.
“So, alam mo yun, my door is open wide in terms of… dyusko naman! Talagang mag-stress pa tayo sa mga ganyan-ganyan na mga… ang dami kong drama sa buhay,” sey pa ni JK.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng dalawang OPM young artists hinggil sa balitang nagkabati na sila finally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.