Darren Espanto ngiting-ngiti, ‘pinatungan’ ni Ate Girl Jackie
NALOKA ang madlang pipol sa ginawang “pag-patong” o lap dance ni Ate Girl Jackie Gonzaga sa singer-actor na si Darren Espanto.
Viral na ngayon sa X (dating Twitter) ang video na in-upload ng netizen na si Kia Li na kuha sa naging year-end party ng “It’s Showtime”.
Sa naturang video ay makikita na nakaupo si Darren sa isang monobloc kung saan nilapitan siya ni Jackie at binigyan ng lap dance.
Sumunod naman ang dalawa pang “It’s Showtime” dancers at pinaikutan ang binata habang nagsasayaw.
Baka Bet Mo: Darren Espanto plinex ang sariling luxury car: ‘Been a fan ever since!’
View this post on Instagram
Ngunit hindi pa natatapos ang pasabog ni Ate Girl Jackie dahil bago matapos ang kanyang sayaw ay niyakap pa noya si Darren na mas nagpahiyaw pa sa mga taong present sa party.
“OH MY GOD, DI KO KINAYA ISTG Iba talaga ang confidence level pag may amats na, noh? Wahahuhuhu,” sey ni Kia Li sa caption.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang viral video.
“kung may amats na c Darren mas grabe Yong Jackie kung anu ano pinaggagawa,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Bagay DN nmn tlga sila .my kilig nmn tlga ”
“Diosko Darren d k kaya madevelop s ate jakie mo s ginawa nya kagabi,” hirit naman ng isa.
Biro naman ng isa, “lagot ka nanaman kay meme vice niyan jackie. Haha”
Wala namang malinaw na chika kung paano nauwi sa wild lap dance ang pagsayaw ni Jackie kay Darren habang nagkakatuwaan sila.
Marahil ay isa itong laro lalo na at nasa year-end party sila at game na game sa mga ganap.
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang pamunuan ng “It’s Showtime” tungkol sa viral video.
Matatandaang minsan na ring napagalitan si Ate Girl Jackie matapos mag-viral ang video nitong nagsasayaw sa saliw ng kantang “Water” kung saan mapapansin na tipsy na ang dalaga habang puma-party.
Samantala, minsan na ring inasar sina Jackie at Darren ng mga “It’s Showtime” hosts sa pangunguna rin ni Vice Ganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.