Igan sa kumampi kay Duterte: Naawa ba sila sa mga pinatay na menor de edad?

Arnold Clavio at Rodrigo Duterte
SINOPLA ng veteran broadcast journalist at news anchor na si Arnold Clavio ang mga nagsasabing awang-awa sila sa sinapot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ni-repost din ni Igan ang quote card na may black and white photo ni Kian delos Santos, sa kanyang Instagram account kung saan mababasa ang mga katagang, “Tama na po! Tama na po. May test pa po ako bukas.”
Ito ang mga huling salita ng nasabing teenager na binaril hanggang sa mamatay sa isang anti-drug operation ng mga otoridad sa Caloocan, walong taon na ngayon ang nakararaan.
Sa inilagay na caption ni Arnold, sinabi niyang hindi katanggap-tanggap na gawing dahilan ang edad (79) ng dating presidente para siya’y kaawaan.
Binanggit niya na ang mga kabataan at mga menor-de-edad daw na pinatay sa kampanya ng administrasyon ni Duterte kontra droga ay hindi naman kinaawaan ng mga nagpatupad ng “Oplan Tokhang.”
Sabi ni Igan sa kanyang post, “EHEM: Sabi nila, ‘HINDI NA SILA NAAWA KAY DUTERTE, MATANDA NA!’
“Teka, noong WALANG AWA nilang pinatay si Kian, 17 yrs. old, si Joshua, 17 yrs. old, si Jemboy, 17 yrs. old, NAAWA ba sila sa mga menor de edad?
View this post on Instagram
“Sa araw na ito, simula ninyo nang makamit ang katarungan,” ang matapang na pahayag ng Kapuso broadcaster.
Samantala, nag-post din ang senador na si Risa Hontiveros tungkol sa isyung ito. Aniya, “Dumating na ang araw na hinihintay ng mga pamilya ng libo-libong Pilipino na napatay sa madugong ‘tokhang’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni dating Pangulong Duterte, under oath, na haharapin niya ang kaso sa International Criminal Court. Sana, bilang abugado, siya ay sumunod sa mga proseso nito.
“I also hope that Malacanang will honor its word and accede to all requests of the ICC, through the Interpol, and ensure that justice will run its full course.
“The thousands of Filipinos killed during tokhang were not murdered by one man alone. Sana ay simula pa lang ito ng paghahabol sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsable sa pagpatay sa inosente o walang kalaban-laban.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.