Bride na ‘nanggayuma’ nagsalita na, pinilit lang ng groom magpakasal?
BINASAG na ng viral bride at tinagurian ring “scammer bride” sa social media ang kanyang katahimikan hinggil sa kinasasangkutang isyu.
Ito ay may kaugnayan sa trending story sa social media kung saan isang groom mula sa Cagayan de Oro ang umano’y ginayuma at bumalik lamang sa katinuan matapos masabuyan ng asin.
Ngunit paglilinaw ng bride na nakilalang si November Justine Gay Jaudines na walang panggagayuma na naganap.
Dumulog kasi ang mga wedding suppliers sa “Raffy Tulfo in Action” para magreklamo dahil wala silang nakuhang bayad sa kanilang ibinigay na serbisyo.
Baka Bet Mo: Groom sa CDO ‘nagayuma’ ng bride, bumalik sa katinuan dahil sa asin?
View this post on Instagram
Kuwento ng bride, hindi totoo ang chikang nanggayuma siya para pakasalan siya ng groom dahil nabuntis siya nito matapos nilang magkaroon ng one night stand noong September 2024.
“Ito po, Senator. Never ko siyang tinakot. Never ko siyang sinabihan na kailangan niya akong pakasalan. In fact, siya ‘yung nag-offer sa akin na magpakasal.
“Kaya may galit sa puso ko sa kanya kasi… Siya kasi ‘yung humingi ng kasal. Never siyang pinilit. Walang pumilit sa kanya… Never pong ginamit ang [mga kilalang pangalan] as panakot sa kanya,” pagbabahagi ng bride-to-be.
Aniya, natatawa na lang siya sa tuwing nababanggit na ginayuma ang groom pati ang pangako niya umano sa lalaki.
May business kasi sa construction ang bride-to-be na siyang pinagkukunan niya ng kabuhayan.
Pinabulaanan rin niya ang mga kumakalat na chikang pinangakuan niya ng negosyo ang groom kapag ikinasal sila.
“Wala pong katotohanan lahat nang ‘yan. Kahit po magharap kami, hindi po ‘yan totoo. Kaya ako, umasa ako na totoo lahat nang pinaramdam niya sa akin,” sey pa ng bride.
Sa ngayon ay may compromise agreement si November sa mga suppliers at kinakailangan nitong magbayad sa mga ito sa loob ng sampung araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.