Vice kay Jackie: Kung sa 'kin siya sumayaw, baka nasampal ko

Hirit ni Vice kay Jackie: Kung sa ‘kin siya sumayaw, baka nasampal ko ‘yan

Ervin Santiago - January 06, 2025 - 12:45 AM

Hirit ni Vice kay Jackie: Kung sa 'kin siya sumayaw, baka nasampal ko 'yan

Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Vice Ganda

NAGING sentro na naman ng tuksuhan sina Jackie Gonzaga at Darren Espanto sa nakaraang episode ng “It’s Showtime.”

Napag-usapan kasi ng mga host ng programa ang tungkol sa viral video nina Darren at Jackie na talagang pinagpiyestahan ng mga netizens sa social media.

Nangyari ito last December, 2024 kung saan mapapanood si Jackie na sinasayawan si Darren. Sa isang eksena ay pinatungan pa ni Jackie ang singer-actor.

Last Friday, January 3, sa live episode ng “It’s Showtime” naichika ng isa sa mga host na si Vice Ganda na si Jackie mismo ang nagbalita sa kanya ng tungkol sa viral video.

Baka Bet Mo: Vice kay Jackie: Kahit mag-isa ka, sapat ka…hindi kita iiwan!

“Tawag siya (Jackie) agad, e. ‘Meme, may video na naman ako.’ Send mo sa akin, patingin. Tapos sabi ko sa kanya, ‘Okay lang ‘yan, magkakapatid tayo dito,’” sey ng  Unkabogable Star.

Hirit pa ni Vice, “Buti na lang wala ako. Paano kung sa akin siya sumayaw? Baka nasampal ko ‘yan! Ha-hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jackiegirlg)


Minsan na ring pinagsabihan ni Vice si Jackie nang mag-viral din  ang kanyang video kung saan mapapanood ang pagsayaw niya sa isang bar habang tumutugtog ang kantang “Water” ni Tyla.

Paliwanag ng host-dancer, hindi siya lasing o bangenge nang bidyuhan siya ng mga taong nasa bar sa San Juan, La Union.

Ayon kay Jackie, alam naman niya na maraming nag-video at nag-picture sa kanya habang todo-bigay na humahataw sa paligid ng mga taong enjoy na enjoy sa kanyang performance.

Paglilinaw pa ng dalaga, wala talaga sa plano niya ang magpunta at mag-happy-happy sa La Union.

“That weekend talaga, biglang na-cancel ‘yung work ko. So sabi ko ah, sige sayang naman ‘yung day so spend the day wisely to have fun, you know a little party,” esplika ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.

Sa tanong lasing na ba siya that night, “Hindi naman (talagang masaya lang),” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yung itsura ko doon, pawis na pawis. ‘Yung bangs ko talagang, hulas na hulas na ‘yung hair,” dagdag ni Jackie na kilala rin sa tawag na Ate Girl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending