Vice kay Jackie: Kahit mag-isa ka, sapat ka...hindi kita iiwan!

Vice kay Jackie: Kahit mag-isa ka, sapat ka…hindi kita iiwan!

Ervin Santiago - July 29, 2024 - 12:15 AM

Vice kay Jackie: Kahit mag-isa ka, sapat ka...hindi kita iiwan!

Jackie Gonzaga at Vice Ganda

MALALIM ang hugot ng “It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga sa isyu ng pakikipagrelasyon at pagmu-move on.

Masayahin at full of energy lagi si Jackie kapag napapanood natin sa noontime show ng ABS-CBN at GMA 7, pero ang hindi alam ng madlang pipol ay may mga personal na isyu rin siyang pinagdaraanan.

Baka Bet Mo: Promise ni Jackie kay Vice sa ‘LU’ viral video: Next time mag-iingat na ‘ko

Sa isang episode ng “It’s Showtime”, sa segment na “EXpecially For You” ay nagsalita si Vice Ganda para tulungan ang kanyang talent at co-host na si Jackie Gonzaga na tuluyan nang maka-move on mula sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa nasabing segment, binigyan ni Vice si Jackie ng chance na magtanong sa bisita nilang  former couple na sumalang sa “EXpecially For You.” Pero nagulat ang dalaga dahil hindi niya inaasahan na mag-isa lang siyang magtatanong sa segment.

Sinabihan pa niya si Vice na huwag siyang iwan, na sinagot ng TV host-comedian ng, “Hindi kita iiwan, hindi ka namin iiwan.”

“Gusto naming maramdaman mo na kahit mag-isa ka, sapat ka at kaya mo,” ang paniniguro pa ni Vice na tila may konek nga sa pinagdaraanan niya sa personal na buhay.

Ayon sa dating magdyowang sumalang sa naturang segment ng show, umabot din sa walong taon ang kanilang relasyon ma nauwi rin sa hiwalayan. Nanghihinayang si Jackie sa nangyari sa dalawa na dapat sana’ nag-grow daw sa tagal ng kanilang pagsasama.

Ibinuking naman ni Jhong Hilario na pitong taon ding tumagal ang relasyon ni Jackie at ng ex-partner nito.

Nagtanong naman si Vice ng, “How does it feel?” na sinagot ni Jackie ng, “Di ba masakit.”

Ayon pa kay Vice, naniniwala siyang therapy para kay Jackie ang kanilang pag-uusap on national TV para mailabas nito ang kanyang saloobin lalo na sa pagtatanong sa kanilang mga guest contestants.

Baka Bet Mo: Jackie bumitaw sa dyowa: Hindi ko deserve na paulit-ulit sinasaktan

“Kahit anong nararamdaman mo everyday hindi naman mag-a-adjust yung mundo para sa sa’yo. So kailangan mong labanan yung pinagdadaanan mo at gawin yung dapat mong gawin sa buhay mo,” pahayag ni Jackie.

Kasunod nito, inamin ng dalaga na habang pilit niyang itinatago ang tunay na nararamdaman sa harap ng madlang pipol, sa pag-uwi niya ng bahay at nag-iisa na lang at doon na niya mararamdaman ang lungkot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinabihan naman siya ni Vice na puwedeng-puwedeng ilabas ni Jackie ang kanyang napi-feel na kasama ang kanyang “It’s Showtime” family dahil hindi siya nag-iisa.

Last week, nagkaiyakan naman sina Jackie at Kim Chiu sa nasabing segment. Dito kasi tinanong ni Vice si Jackie kung ano ang mararamdaman kung makita niya ang kanyang ex na kasama ang bagong dyowa.

“Iiwas ako. Tapos, iyak na lang ako pag-uwi,” emosyonal na sabi ni Jackie.

Pagkatapos nito ay tinanong din ni Jackie si Kim, “Ano ba dapat gawin kung makikita mo siya, estado ng pagkatao mo ngayon, makikita mo siya, nakasalubong sa hallway kasama na niya ‘yung bago niya?”

Emosyonal na tugon ni Kim, “Haharap, siyempre. Hindi, ganu’n talaga. Hindi ka dapat tumatalikod sa mga bagay na magpapalakas sa iyo.”

Nagyakapan sina Kim at Jackie pagkatapos nilang magpalitan ng mensahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reaksyon naman ni Vice, “Diyan ako proud sa dalawang iyan. Masakit man, hinaharap nila. Kayang harapin, kahit hindi masyado sila komportable, hindi nag-aano, back-out, hindi iyan tumatalikod. Harapin natin ito. Kaya mga strong women iyang dalawang iyan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending