Kim Chiu idinamay sa isyu ni Duterte: Wag n’yo ko isali, parang awa n’yo na!

Kim Chiu at Rodrigo Duterte
IKINALOKA ni Kim Chiu ang akusasyon ng isang netizen na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pinatatamaan niya sa isang segment ng “It’s Showtime.”
Ikinonek kasi ng isang social media user ang binasang spiel ni Kim sa “It’s Showtime” sa pagkakaaresto kay Duterte sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court dahil sa ipinatupad niya noong “Oplan Tokhang.”
Nangyari ito sa episode ng noontime show ngayong araw kung saan isa si Kim sa nagbasa ng kanilang opening message para sa madlang pipol.
“Para naman sa mga feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila, ang masasabi namin deserve…” ani Kim na sinundan ng hiyawan at palakpalan ng studio audience.
Patuloy pa niya, “Wait, ‘di pa ako tapos…deserve niyong rumesbak sa buhay!” Na ang tinutukoy ay ang segment nilang “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025.”
Kasunod nga nito, isang netizen ang nag-post sa socmed at inakusahan si Kim na nagsabing deserve raw ni Duterte ang maaresto at makulong.
View this post on Instagram
Nang makarating ito sa aktres at TV host, agad na pinabulaanan ang sinabi ng netizen. Binasa lang daw niya ang nakasulat sa kanilang spiel.
“Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?! Like o to the M to the G!” ang shookt na post ni Kim sa kanyang X account kalakip ang screenshot ng post ng netizen.
Dagdag pa ni Kim, “Hoy! Kaloka kayo. Binasa ko lang yung script namin na spiels. Kayo talaga! GV GV lang tayo spread kindness and good vibes.
“Busy ako sa ibang bagay. Diyos ko, ‘wag niyo ko isali sa ganyan. Parang awa niyo na. Ang gulo na po ng mundong ibabaw. ‘Wag na tayo dumagdag,” ang mensahe pa ng dalaga.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi pa ng aktres ang kopya ng kanilang script sa “It’s Showtime” na binasa nga niya sa programa.
“Please read full context bago maniwala sa FAKE NEWS na pinapakalat dito sa Facebook.
“Sir, wag po kayo mandamay sa nanahimik na tao. May God bless you and your family and your peace of mind,” sabi pa ni Kim.
View this post on Instagram
Nauna rito, mariin ding pinabulaanan ng isa pang host ng “It’s Showtime” na si Vice Ganda ang kumakat na quote card sa social media kung saan pinupuri si Duterte.
Ni-repost niya sa Facebook ang naturang quote card at nilagyan ng caption na, “FAKE NEWS! Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement.
“Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!” sabi ni Vice.
Inaresto si Duterte kahapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court ng mga operatiba ng PNP-CIDG.
Kagabi, dinala na nga ng mga otoridad ang dating presidente sa The Hague sa The Netherlands kung saan nito haharapin ang mga kasong kanyang kinakaharap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.