Jackie bumitaw sa BF: Hindi ko deserve na paulit-ulit sinasaktan

Jackie bumitaw sa dyowa: Hindi ko deserve na paulit-ulit sinasaktan

Ervin Santiago - July 15, 2024 - 06:00 AM

Jackie bumitaw sa dyowa: Hindi ko deserve na paulit-ulit sinasaktan

Jackie Gonzaga

MARAMING rebelasyong pinakawalan ang TV host-dancer na si Jackie Gonzaga nang mapag-usapan nila ni Vice Ganda ang tungkol sa kanyang lovelife.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” inusisa ni Vice si Jackie tungkol sa pakikipagrelasyon, partikular na ang paghihiwalay nila ng dati niyang boyfriend.

Hirit na tanong ni Vice kay Jackie, “Paano mo nalamang in love siya sa ‘yo?” Tugon ng dalaga, “Nu’ng pinakitaan ka na ng effort.”

“So, doon mo namalayang mahal ka? Paano mo nalamang hindi ka na niya mahal?” sunod na question ni Vice na tumatayo ring talent manager ni Jackie.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco sa relasyon nila ngayon ni Ricky Davao: ‘I can’t say we’re chummy-chummy but it’s so much better now’

“Yung nanghihingi ka na ng attention. Kasi nung una hindi mo naman hinihingi, kusa niyang binibigay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero nu’ng dumating sa punto na hinihingi mo na. Tinatanong mo na, ‘Bat hindi mo na ito ginagawa? Bat ayaw mo nang gawin?’

“Doon ko nari-realize na, ‘Ay, nung una binigay nang kusa, tapos ngayon hinihingi ko na hindi pa binibigay,” ang pagpapakatotoong sagot ni Jackie.

Sundot ni Vice, “Paano mo nasabing, ‘Ay, tapos na to?'”

Reply sa kanya ni Jackie, “Kasi, ang dami mo nang nabigay ng pagkakataon, pero dumating pa rin sa punto na may ginawa pa rin siya para masaktan ka.

“Kahit tinanggap mo na yung mga dating pagkakamali, tapos inulit pa rin yung bagay na makakasakit sa yo, parang, ‘Sinasadya na ba to? O hindi mo lang talaga ako mahal?'” paliwanag ni Jackie na nakilala rin bilang si Ate Girl.

Muling tanong ni Vice, “Kailan mo nasabing, ‘Ay, kaya ko nang lumaya at magpalaya?’ Kasi minsan, di ba, alam mong tapos na pero ayaw mong maging malaya, di ba?

“Alam mo yun sa sarili mo kung ano yung dapat mong ginawa, yung tama. Pero minsan yung tama, ayaw mo, e, kasi hindi yun ang masarap sa pakiramdam.

“Pero, kailan mo nasabing, ‘Ay, palalayain ko na yung sarili ko at palalayain ko na rin siya?'” tuluy-tuloy na tanong ng Phenomenal Box-Office Star.

Baka Bet Mo: Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin ngayon

Sagot ni Jackie, “Hindi ko masabi yung makakalaya, pero dumating ako du’n sa puntong bibitaw ako, kasi hindi ko deserve na paulit-ulit kang sasaktan.

“Tinanggap mo na nga lahat ng pagkakamali. Alam niyang masasaktan ka du’n, pero bakit inulit gawin sa iyo?” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jackiegirlg)


Tanong uli ni Vice, “Kailan mo nasabing, kaya mo na ulit?”

Sey ni Jackie, “Every day, tina-try ko sabihin. Going there. Baby steps.”

Sabi ni Vice sa kanyang talent, “I’m proud of you.”

Kamakailan ay nabalitang hiwalay na si Jackie sa longtime boyfriend niyang si Tom Doromal. Sa isang episode ng “EXPecially for You” ng “It’s Showtime” napaiyak si Jackie nang mapag-usapan ang tungkol dito.

Sabi ni Vice kay Jackie, “Sabihin mo lang sa akin, anak, kung ready ka na. Sabi ko naman sa ‘yo, di ba, ‘I will give you time.’”

Sey naman ni Kim Chiu, “Mukhang naiiyak si Jackie, Ma.”

Tugon ni Vice, “E, kasi nga wala ring closure, charot.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay nali-link si Jackie sa co-star niya sa programang “Good Will” ng Net25 na si David Chua.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending