ABS-CBN may watch party para sa pag-ere ng Showtime sa GMA

ABS-CBN may libreng watch party para sa pag-ere ng It’s Showtime sa GMA

Ervin Santiago |April 06,2024
facebook
share this

ABS-CBN may libreng watch party para sa pag-ere ng It’s Showtime sa GMA

Ervin Santiago - April 06, 2024 - 06:00 AM

ABS-CBN may libreng watch party para sa pag-ere ng It's Showtime sa GMA

SASABOG ng kasiyahan sa Antipolo, Rizal dahil handog ng ABS-CBN “Bida Kapamilya” event ang isang libreng watch party para sa makasaysayang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA ngayong Sabado (April 6).

Imbitado ang lahat ng madlang people na makisaya sa espesyal na episode na may pasabog na birthday celebration ni Vice Ganda kasama ang “It’s Showtime” family.

Tampok din sa “Bida Kapamilya” event, na mangyayari mula 8 am hanggang 3 pm sa Ynares Center, ang performances ng BINI at stars ng “Can’t Buy Me Love” na sina Joao Constancia, Vivoree, Albie Casino, at Gello Marquez.

Magpapakitang-gilas naman sa Ynares Center ang “Tawag ng Tanghalan” season 7 grand champion Rea Gen Villareal pati na ang “TNT” alumni na sina Anthony Castillo at Lorraine Galvez.  Magsisilbi rin silang tatlo bilang judge ng “TNT sa Barangay” singing contest.

Baka Bet Mo: Pag-ere ng It’s Showtime sa GMA 7 plantsado na, pero may kumokontra

Bukod dito, may audition din para sa “Tawag ng Tanghalan” at “Expecially for You” ng “It’s Showtime” sa event.

Samantala, nauna nang umapaw ang saya sa pagbisita ng “Bida Kapamilya” sa Malolos, Bulacan noong Marso 23.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pinakilig ng cast ng “Linlang: The Teleserye Version” na sina JM de Guzman, Kaila Estrada, Anji Salvacion, at Kice ang fans sa Malolos sa kanilang espesyal na performances, habang may piling fans na naglaro ng patintero kasama ang mga miyembro ng P-Pop group na BGYO, na nagpasigla rin sa mga manonood dahil sa kanilang baong song at dance numbers.

Baka Bet Mo: Kim Chiu sa birthday ng BFF na si Bela Padilla: ‘I’m thankful na may unli laughter sa friendship na ‘to!’

Tatlong aspiring singers mula sa Bulacan naman ang nagkaroon ng pagkakataong maranasan ang feeling na maging contestant sa hit na “It’s Showtime” segment na “Tawag ng Tanghalan” dahil sa “TNT sa Barangay” singing competition ng “Bida Kapamilya.”

Namigay din ang ABS-CBN ng libreng ice cream, gupit, at screening ng “Hero City Kids,” habang nag-uwi ng mga grocery packs, t-shirt, fan, poster, at sticker ang maswerteng raffle winners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang bawat episode ng mga programa ng ABS-CBN Studios na “FPJ’s Batang Quiapo,” “Linlang: The Teleserye Version,” at “Can’t Buy Me Love” tuwing weekday at “The Voice Teens,” “I Can See Your Voice,” at “ASAP Natin ‘To” tuwing weekend sa Kapamilya Channel.

Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebok), A2Z, GMA, at GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending