Vice Ganda pang-asar ba kay Cristy Fermin ang 'bwak bwak' post?

Vice Ganda pang-asar nga ba kay Cristy Fermin ang ‘bwak bwak’ post?

Therese Arceo |March 27,2024
facebook
share this

Vice Ganda pang-asar nga ba kay Cristy Fermin ang ‘bwak bwak’ post?

Therese Arceo - March 27, 2024 - 06:47 PM

Vice Ganda pang-asar nga ba kay Cristy Fermin ang 'bwak bwak' post?

Vice Ganda

USAP-USAPAN ngayon ng madlang pipol kung sina Cristy Fermin at kasama nitong si Romel Chika ang pinapatungkulan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Nag-post kasi ito sa kanyang X (dating Twitter) ang “It’s Showtime” host nitong Lunes ng gabi, March 25.

Nagbahagi si Vice ng larawan ng dalwang creatures na nag-uusap ukol sa taong balak nilang “siraan”.

Sabi ng isang alien, “Nanggigigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tyo! Daliiiiii!”

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: This is mothering!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!” sagot naman ng isa.

Maikling caption ni Vice, “Bwak bwak bwak bwak!!!”

Bagamat walang pinangalanan ay marami sa mga netizens ang tila naka-gets kung sino ang pinatutungkulan ng “It’s Showtime” host.

Chika ng ilang netizens, mukhang para sa showbiz columnist na si Cristy Fermin at kasama nitong si Romel ang naturang post ni Vice.

“Kulang na kasi sa pansin ang dalawang matandang aso kaya nagpapapansin at nagpapaviral para maging sikat. Hahahah. Bwak bwak bwak bwak,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Yaan mo na sila Meme Vice. Mas marami kaming nagmamahal sayo. Kahit ano pang sabihin nila against you. We still support you kasi we love you at hindi nila alam how much joy and happiness ang nabibigay mo sa amin especially bsa It’s Showtime.”

“Tama ka meme @vicegandako Di ko maintindahan. Napakanega. Ang dalawa naman parang uto-uto. Yes lang ng yes. .. At d, ko ma gets. Ba’t galit cya sayo. Di mo siguro yan nabigyan. O baka threaten kasi sa GMA na kayo. Pano nalang mga favorites nya,” sey naman ng isa.

Kamakailan ay isa si Vice Ganda sa mga celebrities na napag-usapan nina Cristy at Romel sa kanilang March 22 episode ng “Cristy Ferminute”.

Ito ay kaugnay ng paglipat ng “It’s Showtime” sa GMA Network.

Nabanggit ng kolumnista na na na-witness raw niya nang personal kung gaano kayabang si Vice Ganda kahit noong nasa comedy bar pa ito at hindi ba ito kilala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumang-ayon naman si Romel na nakasama noon ng komedyante sa comedy bar at sinabing mas pinili raw nitong maging magaling kaysa maging mabuti.

Wala pa namang paglilinaw si Vice tungkol sa mga pahayag nina Cristy laban sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending