David Licauco kinantyawan ni Vice, pasado bang host ng ‘Showtime’?
MAY chance kaya na maging bahagi ng noontime program na “It’s Showtime” ang Kapuso actor na si David Licauco?
Kahit kasi tila shy type ang aktor ay talagang nakakasabay ito sa kakulitan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Darren Espanto, at Karylle.
Dumalaw kasi si David sa programa para maglaro sa segment nitong “And The Breadwinner Is…” kung saan kailangan niyang hulaan ang breadwinner na choreographer.
Habang naglalaro ay panay amg kantyaw sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda mula sa kanyang pagiging single, sa mga “kanal” humor jokes nito, pati na rin sa mga iba ibang pa-sample ng pagsasayaw.
Baka Bet Mo: David Licauco naniniwala nga ba sa 3-month rule?
View this post on Instagram
Bagamat halatang nahihiya ay marunong makisama ang aktor at sinusunod kung ano ang hinihiling sa kanyang gawin ng mga hosts.
“Infairness kay David, game siya. Wala siyang inarte,” pagpuri sa kanya ni Vice.
Game na game naman si David na nakisabay sa mga “choreographers” habang nagtuturo ito bilang parte ng programa.
Cute na cute rin ito na napapakamot ng ulo o ng pisngi tanda na nahihiya ito pero nakikisali pa rin sa energy ng “It’s Showtime” hosts.
“Anong next na schedule mong libre? Isasalang ka namin ulit rito,” tanong ni Vice kay David.
Dagdag pa nito, “Gagawin ka naming regular breadwinner player… Itse-check ko schedule mo mamaya ha? Ipa-block off namin lahat.”
Marami nga sa mga netizens ang naaliw sa guesting ni David at hindi inaakalang magiging laughtrip ang naturang episode dahil mukha ngang mahiyain ang aktor.
“ang cute pati ng banter nila. bagay talaga si Vice Ganda pag with conyo kids, the contrast always works for some reason,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “ganda rapport ni Vice Ganda with David Licauco. never thought he can be that funny. Vice Ganda brought it out of him for the general public to see. David should do more Showtime features.”
“Infairness, bagay siya sa Showtime. Nakakablend siya sa mga hosts,” sabi pa ng isa.
Hirit naman ng isa pang netizen, “Ipasok si David Licauco sa It’s Showtime para lumabas na ang tinatagong energy, I mean, look at his energy here, meron eh. Either nahihiya sya, or wala lang tamang outlet. Baka It’s Showtime na nga ang tamang outlet niya para mailabas ang kakulitan nya na yan.”
Mukhang magiging madalas ang guesting ng Pambansang Ginoo. Ano sa tingin n’yo mga ka-Bandera?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.