David Licauco hiwalay na sa non-showbiz dyowa, anyare?

David Licauco hiwalay na sa non-showbiz dyowa, anyare?

Therese Arceo - January 03, 2025 - 07:33 PM

David Licauco hiwalay na sa non-showbiz dyowa, anyare?

TILA pasabog ang simula ng 2025 dahil maging ang Kapuso actor na si David Licauco ay hiwalay na rin sa kanyang non-showbiz dyowa.

Trending ngayon ang actor sa social media dahil marami sa mga netizens ang nakakkita sa isang post ni Joy Marcelo, ang bise presidente ng GMA talent management arm na Sparkle.

Makikita sa kanyang Instagram post noong December 2024 ang parawan niya kasama si David at ang isa pang Kapuso star na si Nikki Co.

“Mga single ngayong pasko!!!! @davidlicauco @nikkico_,” saad ni Joy sa caption.

Baka Bet Mo: Hiwalayang Barbie at Jak: Selos kay David o nagkasawaan na lang?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang naturang Instagram story ay muling lumabas matapos ang pag-anunsyo ng ka-love team ni David na si Barbie Forteza na hiwalay na ito sa kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto.

Matatandaang noong June 2024 ay inamin ng binata na “taken” siya pero hindi nito binanggit kung sino ang girlfriend nito ngunit may mga netizens na tila may ideya na kung sino ito.

Noon pa man ay marami na ang umiintriga na hiwalay na sina Barbie at Jak lalo na nang umingay ang tambalan ng aktres at ni David na tinawag na Barda pero ilang beses itong dinenay ng dalawa at ngayon ngang 7 years na sila ay tuluyan na silang naghiwalay.

Marami naman ang natuwa at nagdiwang sa mga BarDa fans sa paghihiwalay ng longtime couple na JakBie.

Samantala wala pa namang inilalabas na pahayag si David hinggil sa pagiging single

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending