True ba, Jake Zyrus laging naglalasing…may pinagdaraanan?
TOTOO kaya ang kumakalat na chika tungkol sa buhay at career ngayon ng singer-songwriter na si Jake Zyrus?
Balitang dumaraan daw sa matinding pagsubok si Jake na unang nakilala sa music industry here and abroad bilang ang biriterang si Charice Pempengco.
Matagal nang walang balita about Jake, lalo na sa kanyang singing career at personal life. Sabi nga ng ilang fans, miss na miss na nilang mapanood on stage ang international singer.
Ayon sa veteran showbiz columnist at host na si Nanay Cristy Fermin may nagparating sa kanya ng kuwento tungkol sa naging kalagayan ni Jake habang nasa Amerika.
Baka Bet Mo: Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya
Sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na”, nabanggit ni Nanay Cristy ang umano’y napapadalas na pag-inom ng alak ni Jake.
View this post on Instagram
“Lagi siyang nakikita ngayon sa mga bar. At kapag lulong na lulong at lasing na lasing, hindi alam ang kanyang ginagawa,” ang rebelasyon ng TV-radio at online host.
Sabi pa ni Nanay Cristy, “Di ba may mga kuwentong nakarating sa atin? ‘Yung tinirhan niya, ‘yung kumupkop sa kanya, na ang akala e… (dead na) kaya isinilid na siya sa black bag.”
Hirit naman ng co-host niyang si Romel Chika, “Tapos mabibigyan ng chance, nagpapaka-primadonna pa. Nagpapaka-diva.”
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag si Jake. Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ni Jake upang pabulaanan o kumpirmahin ang mga revelation nina Nanay Cristy at Romel Chika.
Pero sana’y hindi totoo ang mga negatibong chika about him at sana’y mapanood na uli siya ng kanyang loyal supporters na nagpe-perform nang live.
Matatandaang inamin ni Jake noon na meron siyang mental health problems kaya nagdesisyon siyang mag-social media detox upang makapag-recharge.
“I know it’s not gonna be easy, but I also know it will help me a lot. If you’re looking for a sign to also take a break because it’s been a lot for you, this is it. Let’s do it together. x Jakey.”
Nag-viral din noon ang shirtless photo ni Jake sa Instagram bilang pagbandera sa pagiging proud transman.
Aniya sa caption, “Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.
“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.
“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat,” mensahe pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.