Raquel Pempengco may patutsada sa concert ni David Foster: Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco
TILA may parinig si Raquel Pempengco patungkol sa naging concert ng Camadian composer na si David Foster sa Pilipinas.
Nag-post kasi ito sa kanyang Facebook account hinggil sa kanyang opinyon o saloobin ukol sa mga napanood na video clips ng concert na uploaded sa social media.
“Talagang wala pa ring ipapalit sa Alaska. Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF [David Foster]…Sinabi ko naman sa inyo noon pa… nag-iisa lang ang boses na yan,” saad ni Raquel.
Aniya, kahit sino pa raw ang kumanta ng kanyang mga awitin ay hindi nito mabibigyang hustisya ang mga kanta dahil nag-iisa lang ang Charice Pempengco ng Pilipinas.
“Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustisya. NO GOOSEBUMPS. NO STANDING OVATION..Nothing compares…. Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco,” pagpapatuloy pa ni Raquel.
Ang “Charice Pempengco” na tinutukoy ng ginang ay ang kanyang anak na kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus.
Tila mukhang pinatutungkulan sa “real talk” post ni Raquel ang Kapamilya singer na si Morissette Amon na siyang kasama ni David Foster kahit wala siyang binabanggit na pangalan.
Ito kasi ang kasa-kasama ng Canadian singer bilang special guest sa concert nito na naganap noong Madch 21 hanggang March 26 sa The Theater sa Solaire Resort and Casino.
Baka Bet Mo: Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera…
Isa nga sa mga kinanta ni Morissette ang “I Will Always Love You” ngunit pansin na hindi nagbigay ng standing ovation si David hindi gaya nang kantahin ito ni Charice sa isa sa kanyang mga naging concert noon.
Giit pa ni Raquel, hindi raw ang Canadian composer ang nagpasikat sa kanyang anak kundi si Oprah.
“At para sa kaalaman ng lahat, hindi po si DF ang nagpasikat sa kanya [Charice] kundi si OPRAH…
Ni-reject nga noon ni DF si Charice kaya wag umasa na may isasama pa…masasaktan lang,” chika pa ni Racquel.
Matatandaang noong 15 years old si Charice ay nakatanggap siya ng imbitasyon mula kay Ellen Degeneres na mag-guest sa show nito na ipinalabas noong December 2007.
Matapos nito ay inimbitahan naman siya ni Oprah na mag-guest rin sa show nito na umere noong May 2008.
Marami naman sa mga fans ni Morissette ang maimbyerna kay Raquel dahil tila minamaliit nito ang kakayanan ng kanilang iniidolo.
View this post on Instagram
“Tanggapin mo ng wala si Charice na sinasabi mong legendary kasi sinayang niya yung pagkakataon .ngayon na si mori na ang may pagkakataon kung ano ano sinasabi mo,” saad ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “OMG! Raquel Pempengco wake up! you need a doctor. Charice is Dead! end of argument! hinayaan nyo syang mamatay at hindi ipinaglaban.”
“Kahit anung sabihin.. wla n un charice mo.. Jake Cyrus n aahhaha.. kaya wag nlang sana magsalita.. Kase di Naman ikakaangat ulit ni charice sinasabi moo at matuwa nlang na may ibang sumisikat sa ibang bansa at dinadla bandera ng pilipinas…. #ampalayaka,” chika pa ng isa.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Raquel at ng iba pang kampo na dawit sa isyung ito.
Related Chika:
Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.