Nanay ni Jake Zyrus nagluluksa sa pagpanaw ng ina at kapatid; nanawagan ng tulong pinansiyal | Bandera

Nanay ni Jake Zyrus nagluluksa sa pagpanaw ng ina at kapatid; nanawagan ng tulong pinansiyal

Ervin Santiago |April 06,2022
facebook
share this

Nanay ni Jake Zyrus nagluluksa sa pagpanaw ng ina at kapatid; nanawagan ng tulong pinansiyal

Ervin Santiago - April 06, 2022 - 05:57 PM

Jake Zyrus, Tess Relucio at Raquel Pempengco

HINDI pa man nakakabangon mula sa matinding hinagpis at pagluluksa ang pamilya ng nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco, isa na namang kapamilya nila ang pumanaw ngayong araw.

Tatlong araw matapos mamaalam ang nanay ni Raquel na si Tess Pineda Relucio ay sumunod namang pumanaw ang kapatid niyang si Robert Pineda Relucio sa edad na 52.

Ayon sa ulat, namatay ang tiyuhin ni Jake matapos maaksidente sa motor sa Lopez, Quezon. Wala pang ibang detalyeng inilalabas ang pamilya Pempengco tungkol sa insidente.

Ibinahagi ng nanay ni Jake (dating Charice) sa kanyang Facebook account ang malungkot na balita kasabay ng paghingi ng tulong pinansiyal para sa pagpapalibing sa kanyang nanay at kapatid.

Nanawagan si Raquel sa lahat ng may mabubuting kalooban na sana’y matulungan siya sa mga kakailanganin ng kanilang pamilya para mabigyan ng maayos na libing ang dalawang yumaong kapamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs (@jakezyrusmusic)


Sa isa pa niyang FB post, nakiusap din si Raquel sa lahat ng taong natulungan niya noon na sana’y kahit paano ay siya naman ang maabutan ng tulong dahil kailangang-kailangan talaga nila ngayon ng pinansiyal na suporta dahil siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagpaparamdam si Jake kay Raquel kaya naman nakikiusap ito na sana’y matulungan daw sila ng singer-songwriter.

Ani Raquel, hindi raw niya talaga  kakayaning mag-isa ang gastusin sa sabay na pagkamatay mga mahal niya sa buhay. Talagang hirap daw sila ngayon sa buhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagkakaalam namin, nasa  Amerika pa rin ngayon si Jake at wala nang komunikasyon sa kanyang ina. Bukas ang BANDERA para sa magiging pahayag at reaksyon ni Jake sa panawagan ng kanyang ina.

Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya

Ogie Diaz binalikan ang pamba-bash na inabot dahil kay ‘Charice’: Halos patayin nila ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending