Jake Zyrus binarag ng ina, libro fake news daw: Tumigil na kayo!

Jake Zyrus at Raquel Pempengco
TINAWAG na “fake news” ni Raquel Pempengco ang mga inilabas na rebelasyon ng kanyang anak na si Jake Zyrus sa libro nitong “I Am Jake.”
Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites sa social media ang pag-amin ni Jake (dating Charice Pempengco) na minolestiya at inabuso siya umano ng kanyang tiyuhin noong 6-anyos pa lamang siya.
Inilabas ang memoir ni Jake Zyrus noon pang 2018 pero bigla itong nag-viral ngayon matapos mag-post ang social media personality na si Xian Gaza sa Facebook ng ilang pahina mula rito kung saan inilahad nga ng singer ang mapait at traumatic na karanasan.
Ayon kay Jake, hindi lang daw ito isang beses nangyari sa loob mismo ng kanilang bahay kundi paulit-ulit siyang inabuso na tumagal ng isang taon.
Baka Bet Mo: Raquel Pempengco kay Jake Zyrus: Kahit gaano katagal siyang hindi mag-reach out sa amin, family pa rin siya
Sabi pa ng singer, isinumbong lamang niya sa kanyang nanay na si Raquel ang ginawa umano sa kanya ng tiyuhin makalipas ang ilang taon. Pero hindi raw naniwala sa kanya ang ina.
Dahil dito, maraming nam-bash kay Raquel kaya naman talagang sinagot niya ang isyung at pinatulan ang mga haters sa pamamagitan ng sunud-sunod na post niya sa Facebook.
“Meron na namang fake news. Galing daw sa isang libro. Mga bashers, hindi updated yang libro na yan… Abangan niyo ako ang mag-a-update ng librong ‘yan.
“Sari-sari na lang isyu niyo. Meron kilala daw ako? Mga gumagawa ng kwento ang iba. Baka magulat kayo kapag ako ang nagkwento.
“Kaya tumigil na kayo sa kaka-fake news na yan. Mga salot ng lipunan. Nababawasan tuloy ng konti ang ganda ko… Konti lang naman,” ang pahayag ng nanay ni Jake.
Sabi pa niya sa isang hiwalay na post, “Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob. Sila na magdadala ng lahat.
“The truth still prevails… But no matter what, my blood still flows in your veins, and you can only remove that when you’re already dead,” matapang na sabi pa no Raquel.
Sanay na rin daw siya na palaging pinalalabas na kontrabida pero ipinagdiinan niya na walang anumang libro ang makapagpapabago sa katotohanan.
“Kwento niyo yan, malamang masama ako jan. Pero hindi ko alam ang kwentong ‘yan… Sanay na akong tawaging masama. Kung yan ba ikakasaya niyo. Tanggap ko na ang pangalan kong ‘Evil Queen.’
“Basta ako, alam ko ang sariling kwento ko, pero di ko na isasali sa libro dahil ayoko ng may mapasama at madagdagan ang mga ‘Evil’.
“Dapat ako lang ang nagmamay-ari ng crown… Sige lang kahit ano ibato niyo basta hindi nakakabawas ng kagandahan ko… Wala pa rin akong pake,” bwelta pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.