Marjorie Barretto nabarag pa sa pagresbak kay Dennis Padilla

Marjorie Barretto nabarag pa sa pagresbak kay Dennis: Bakit ‘di ka nagdemanda?

Ervin Santiago - April 13, 2025 - 12:01 AM

Marjorie Barretto na-bash pa sa pagresbak kay Dennis: Bakit 'di ka nagdemanda?

Dennis Padilla at Marjorie Barretto

MAY mga nakisimpatya pero meron ding nambasag kay Marjorie Barretto matapos siyang magsalita tungkol sa mga patutsada ni Dennis Padilla laban sa kanya pati na sa kanilang mga anak.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens matapos magsalita ang nanay nina Julia, Claudia at Leon Barretto laban kay Dennis pati na sa mga kapatid nito na nakialam na rin sa kanilang isyu.

Sa inilabas nating balita tungkol sa rebelasyon ni Marjorie na sinasaktan siya ni Dennis noong nagsasama pa sila bilang magdyowa ay marami ang nagkomento.

“He was physically abusive to me. I’ve been quiet for 18 years, but he was physically abusive.

“Nakakatawa siya sa tao pero he’s the opposite. Konting bagay lang manununtok na yan or mananampal na yan. My kids saw that.

“The biggest physical abuse to me was when Julia was a few days old. I never spoke about this. Naglalakad ako papasok ng kwarto. From the back, he hit me so hard in my ear. Lumipad talaga ako.

“Wala na akong eardrum. Na-surgery yun kasi nga sa sobrang impact. They had to recreate an eardrum. Dennis has an explosive temper,” ang bahagi ng pahayag ni Marjorie sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Narito ang reaksyon ng ating mga ka-BANDERA sa naging revelation ni Marjorie na inabuso umano siya ng pisikal ni Dennis.

“Yes 4 kami mgkkptid nanay lng bumuhay samin. pero never nmin o wl aq ntandaan na siniraan or tinuruan nya kmi mglit s tatay nmin. kya nung time n mllki n kmi at ngprmdm tatay nmin. gus2 ny kmi mkita nanay p ngsbi n cge pumunta kayo tatay nyo yon. now n preho ncl ns itaas dun nlng cguro cl mguusap ng isyu nila bilang mg asawa. I believe ns nanay ang prob.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hanggang Ngayon ba ay gumaganti ka, hanggang kailan?”

“Nangyayari tlga sa mag asawa pero turuan mo.mga anak mo magalit sa ama Nila at maging masamang anak.. tatay ko nananakit at nanbabae may 3 anak sa labas pero never kami tinuruan ng nanay.namin magalit sa tatay namin oo nag aayaw sila pero d kmi dinamay ng nanay nmin. Ngayon tahimik ang buhay namin a magkakasindo at d kni naging masamang anak.”

“Si Gretchen nga inaway mo sa burol ng tatay mo kahit walang ginagawa, ikaw talaga may problema Marjorie.”

“May ugali si Marjorie masyadong mapag mataas kahit mga kapatid di pinalampas.. Ikaw ang ina na dapat naturuan mo ang anak mo na wag magtanim ng galit sa kanilang ama di sana naging Maayos ang lahat.”

“Khit ano p ang nangyari cyo ng asawa sana indi m dinadamay yng mga anak m na magkarn dn ng respeto sa ama nla ama nla yng eh kng ndi nmn ky dennis makkunpleto b na magkarn kau ng anak masakit yng ah kasal ng anak nya tinabla nyo.”

“If abused tama lang humiwalay…sa lagay ng bunganga ng lalaki malamang mas malala yan sa loob ng bahay…saka kawawa mga anak nila…lumaki sa mata ng madla sa socmed…tama lang na cla ang magdcide kung sino ang gusto at ayaw nila sa buhay nila …traumatized mga anak na ganyan ang family.”

“Puro kayo commento against marjorie parang wala kayong kasalanan haha para kayong perfecto.”

“Ang away mag asawa  hinde da Ay ang mga anak.. At kng talagang magaling kng magulang hinde ka magsasabi ng masama tungkol sa tatay ng mga anak mo dapat ang away nyung mag asawa away nyu lng di da may mga anak mo hinde ka magandang halimbawa na dapat tularan.”

“Naku hindi between husband and wife ihayag .mo Yong sa mga anak mo .huwag mongb uruan magalit sa ama kahit qno mang nangyari sa inyong dalawang magasawa dati.”

“Naalala ko nong interview nila 3 claudine gretchen at marjorie kay tito boy abunda sa bi ne gretchen kawawa daw si dennis kay marjorie bakit ngayon iba.”

“Isang araw darating ang karma sa iyo Marjorie, matakot ka, matuto Kang magpatawad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako hndi lumaking walang tatay. Pero Marami akong Kilala lumaki walang nanay/tatay pero hndi ganyan. (Hndi Kasi sila Barreto) Depende nalang din tlga sa kung ano ang itatanim mo sa utak nila. Pero sabi nga, ang mga anak pa din ang makaka diskubre ng totoong nanyare kapag lumaki na sila. Pero kung matanda kna at bulag kpa din, prblma mo na yun. . Siguro kulang lang kayo sa pakikinig.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending