Dennis Padilla dadalhin hanggang sa hukay ang tampo, pagod nang maghabol sa mga anak
LABIS ang sama ng loob ng actor-comedian na si Dennis Padilla sa naging trato sa kanya sa kasal ng kanyang anak na si Claudia Barretto.
Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay isa-isa nitong inilatag kung saan nanggagaling ang kanyang tampo sa pangyayari.
Matatandaang nitong Martes, April 8 nang ikasal si Claudia sa longtime dyowa niyang si Basti Lorenzo na dinaluhan ni Dennis.
Ngunit amg masaya at memorable sanang araw para sa mag-ama ay nawala dahil tila naging “guest” na lang ang kanyang papel imbes na maging parte ng programa bilang “father of the bride”.
Baka Bet Mo: Gene Padilla nasaktan, Dennis Padilla pinaupo sa tabi ng mga ninong sa kasal ng sariling anak
View this post on Instagram
Nauna nang mag-rant si Dennis sa social media na umani ng samu’t-saring komento mula sa mga netizens.
Habang nagkukuwento ang aktor ng kanyang panig tungkol sa isyu ay ramdam mo ang sakit na kanyang dinadala matapos ang mga nangyari.
“One of the most painful part ng buhay ko na naranasan. Wala ito sa kalahati ng mga naranasan ko [sa kanila] sa mga nakaraan, pati nung mga debut. Wala,” saad ni Dennis.
Aniya, mas masaya pa raw siguro kung hindi siya inimbita ng anak at nang-gatecrash na lamang siya.
“Kasi even hindi ka nila pinansin, problema mo ‘yun. Hindi ka invited, pumunta ka e. Hindi ka pinansin, wala kang magagawa. Pwedeng iwanan mo na lang ‘yung gift mo sa organizer, pabigay mo… Wala kang ie-expect. So I’d rather hindi ako na-invite,” lahad pa ni Dennis.
Aminado ang aktor na ito na naabot na ang kanyang limit dahil sa mga nangyari at hindi na ipagsisikaikan ang sarili na maging bahagi pa ng buhay ng mga anak.
“Ayoko na. Surrender na. I’m finished… Tatay na lang nila ako pero bringing back the relationship, wala na siguro. Maybe we can just played around with the memories pero that’s it, finished,” sey ni Dennis.
Amin pa niya, tinatanggal na rin niya sa kanyang social media accounts ang kanyang mga posts para sa mga anak.
Sabi pa ni Dennis, “Ngayon ko lang nga na-realize na none of my children even posted my picture in their Instagram, not once.”
Sabi naman ni Ogie, baka sa ngayon ay galit lang ang aktor at kapag naging ok na ay bumalik na rin sa dati.
“Ayoko na. Sabi nila ako ‘yung toxic. Talaga ba? A father was longing for love from his children especially the father is going to almost 3/4 of his life. Can you call that as toxic?
“A father who’s longing. A father who asked forgiveness privately and publicly, is that toxic? A father who apologized to the mother, to the children, to the boyfriend of the children in private and in public, they call that toxic? A father who posted greetings kapag birthdays, Valentines, Christmas, and New Year to greet them without reply, is that toxic? If the answer to those things I said is yes, then I consider myself as toxic.”
Nang tanungin naman si Dennis ng mensahe para sa mga anak kay Marjorie ay wala na itong maisagot.
“Napagod na. I thought hindi mapapagod… I think I will carry it to my funeral. Bibitbitin ko na lang ito hanggang mamatay ako. Hindi ko na babaguhin. Ayoko na, napagod na ako,” sabi pa niya.
Tinatapos na rin ni Dennis ang relasyon niya sa mga anak kay Marjorie.
“Ako na ang masusunod ngayon, hindi na sila… Hindi na nila ako makakausap at makikita. I won’t give them any chance to see me or talk to me.
“Paalam na ito e. This is a permanent goodbye. Maybe the last time you would see me, sa loob ng kabaong ko ‘yun dahil hindi na ako makakaiwas. Hindi ko naman kayo iba-ban doon, anak ko kayo e. Pwede kayong bumisita doon. Kung gusto n’yong mag-donate ng pambili ng biscuit, pwede naman,” giit ni Dennis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.