Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera... | Bandera

Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera…

Ervin Santiago |April 13,2022
facebook
share this

Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera…

Ervin Santiago - April 13, 2022 - 07:45 AM

Jake Zyrus at Raquel Pempengco

“SOBRANG sakit po!” Ito ang bahagi ng pahayag ni Raquel Pempengco patungkol sa anak niyang si Jake Zyrus sa gitna ng pagluluksa ngayon ng kanilang pamilya.

Naglabas ng saloobin si Mommy Raquel matapos lumabas ang balita na nag-reach out na raw sa kanila ang kampo ni Jake para magbigay ng tulong sa pagpapalibing sa yumao niyang ina at kapatid.

Sabi ng nanay ni Jake (na nakilala noon bilang si Charice Pempengco), walang katotohanan na may nakausap daw ang talent manager ng singer-songwriter sa kanilang pamilya tungkol sa kinakaharap nilang pagsubok ngayon.

“’Yun lang po ang hinanakit ko po, na naglabas sila (ng statement) nag-reach out sa amin.

“Tinanong ko po ‘yung kapatid kong babae, kung nag-reach out sa kanya ang kampo ni Charice, si Jake. Sabi niya, wala ate, walang nag-ano sa akin,” pahayag ni Mommy Raquel  sa interview ng DZRH nitong nagdaang Sabado, April 9.

Ang nais lamang daw niya sa mga oras na ito ay ang makapiling nila ang kanyang anak sa pagluluksa ng pamilya, wala na raw siyang pakialam kung tutulong ito sa pinansiyal nilang pangangailangan.

“Alam ko pong nagluluksa siya, pare-pareho kaming nagluluksa. Pero sa panahon po ngayon, dapat po magsama-sama ang pamilya po?

“Hinintay lang po namin. Kung ayaw naman po niyang tumulong, magparamdam lang na kahit na ‘Mommy o Carl, o Tita Neneng, nakikiramay ako, malayo ako rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs (@jakezyrusmusic)


“Or iparamdam man lang sa kanyang management o iparating sa kanila na malayo ako, hindi ako makarating. Naintindihan na lang po namin ‘yun,” pahayag pa ni Raquel sa nasabing panayam.

Ipinagdiinan din niya na hindi siya galit dahil sa pera kundi dahil hindi man lang daw masilip ni Jake ang kanyang tiyuhin at lola.

“Sobrang sakit po. Kasi ang dapat na sasandalan ko ngayon ‘yung anak ko, pero wala siya. Hindi dahil sa pera, kundi sa nandiyan siya.

“Pero dahil du’n… ‘yun po ang ikinasasama ng loob ko na naglabas sila na nagsasabing nagri-reach out sila, hindi naman.

“Sana po, kung alam nilang namimighati ang pamilya nila, huwag nang mag-ano ng ganyan ganyan na salita,” aniya pa.

Pumanaw ang ina at kapatid ni Raquel last week at kasabay nga nito ang kanyang panawagan na sana’y madamayan at matulungan sila ni Jake dahil kulang na kulang daw sila ngayon sa budget.

Matatandaang naglabas ng official statement ang kampo ni Jake tungkol sa namatay nitong lola at tiyuhin, humiling ito ng privacy para sa kanyang pagdadalamhati.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately. We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” sabi sa statement.

Nanay ni Jake Zyrus nagluluksa sa pagpanaw ng ina at kapatid; nanawagan ng tulong pinansiyal

Cristy Fermin inatake ng matinding kalungkutan nang makita ang hubad na katawan ni Jake Zyrus

Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending