Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo! | Bandera

Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Alex Brosas |February 21,2022
facebook
share this

Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Alex Brosas - February 21, 2022 - 08:17 AM

Jake Zyrus

KULANG na lang ay mapa-yuck ang netizens sa nakita nilang hubad na larawan ni Jake Zyrus, formerly known as Charice Pempengco.

Jake posted on his Instagram account kasi a photo kung saan half naked siya. This is to show fans kung ano na ang hitsura niya ngayon. 

“Una sa lahat salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.

“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.

“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. K

“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.

“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.
“Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat.”

‘Yan ang caption ni Charice, este, Jake Zyrus sa kanyang latest photo. 

The collective reaction of madlang pipol is disgust. They did not like what they see baed on their reaction sa isang Facebook page.

“Charice mag bra ka malaki pa s*so mo hindi pa flat katulad ng iba na tomboy na nagpaopera.”

“Babae kapa rin ang iyong s*su ay nakaukwab pa rin, sagwa tuloy tignan.”

“Nakakaasiwa yong dede hugis babae pa din.”

“100% babae ka parin, kasi ur born bilang babae ang Ganda ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sau, bat MO sinira??? Pati talent u super sikat bat anu na kain u idol ka ng buong Pilipinas pero sinayang moooo why???? Ang laking kasalanan mo sa taas nyan Kay LORD… Tsakkkkkk.”

“Kahit anong babaguhin sayo jake zyrus, c charice pempengco ka parin.”

“Nako po nasobrahan na ito! Parang ako na nahihiya sa mga ginagawa mo!”

But some netizens naman defended Jake at sinabing proud na proud sila sa singer dahil sa tapang nito at pagsuporta sa LGBTQIA+ community. Sey nila, huwag na lang daw patulan at dedmahin na lang ang pambabatikos ng mga bashers.

View this post on Instagram

A post shared by ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs (@jakezyrusmusic)


* * *

Ipinamalas ni Badjao Girl at “PBB Lucky Season 7” ex-housemate Rita Gaviola ang galing sa pagrampa at talino sa pagsagot sa mga katanungan sa pagkapanalo niya bilang daily winner ng “Showtime Sexy Babe” ng “It’s Showtime” nitong Huwebes (Peb.17).

Ayon kay Rita, sumali siya sa contest para baguhin ang tingin ng mga tao tungkol sa mga Badjao.

“Gusto kong ipagmalaki sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao na katulad ko.Ipapagmalaki po namin yung tribo namin na hindi porke’t ganito ang tingin nila sa amin ay wala na kaming kaya.Kami, karamihang mga Badjao, nabu-bully dahil hindi nakapag-aral yung karamihan tulad po ng parents namin,” pagbabahagi niya.

“Maraming kabataan na tulad ko na magaganda ay hindi nakikita kasi nasa bahay lang sila. Parang nahihiya sila, nai-insecure sila sa sarili nila, na, ‘Bakit ganito ako? Bakit ganito ang kulay ko? 

“Ang tingin nila sa amin, mahirap. Tapos, Badjao, yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Kaya naman ako sumali para ipakita sa kanila hindi porke’t Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo ng ibang tao,” saad niya.

Ibinahagi rin niya ang mga nangyari sa kanya matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.

“Pagkatapos ko lumabas ng PBB, nagback to school po ako para makahabol sa mga naiwanan kong subject tapos na-realize ko na pwede pala pagsabayin. Habang nag-aaral ako atleast may extra income ako at hindi ko na kailangan humingi sa magulang ko. Makakatulong pa ako sa kanila,” saad niya.

Bukod nga sa pagsali sa “Showtime Sexy Babe,” sinabi rin ni Rita na gusto niyang sumali sa Miss Universe balang araw.

Samantala, dahil sa ipinamalas niyang kumpiyansa sa sarili at galing sa pagsagot ay napukaw niya ang loob ng Sexy Authoriteam na sina Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno, at RK Bagatsing at nakakuha ng 94.7% combined score para maging daily winner sa araw na iyon at babalik sa Sabado (Peb.19) para sa weekly competition.

Ang “Showtime Sexy Babe” ay ang bagong segment ng “It’s Showtime” kung saan mapapanood ang angking katalinuhan, talento, at ang taglay na kasesksihan na nagsisimula sa mga kalooban ng mga single na Pilipina, transgender, bisexual, lesbian of all shapes and sizes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa naturang segment, dalawang contestants ang maglalaban-laban sa tatlong rounds na “Ooh La-Lakad,” kung saan rarampa sila sa stage suot ang kanilang mga bikini, ang “Hot-tanungan,” kung saan bibigyan sila ng isang tanong na kailangan nilang sagutin, at “Final Women-sahe, kung saan magbabahagi sila ng kanilang mga nagustuhan sa kanilang kalaban.

Jake Zyrus hinding-hindi malilimutan ang eksena nila ni David Foster sa ospital

Jake Zyrus: Kung akala ng iba joke lang ang pagiging transman ko, it’s not!

Jake Zyrus nag-post ng topless photo: Sa wakas, komportable sa nakikita ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending