Eat Bulaga wala nang dapat patunayan sa It's Showtime

Eat Bulaga wala nang dapat patunayan sa It’s Showtime – Cristy Fermin

Ervin Santiago |March 31,2024
facebook
share this

Eat Bulaga wala nang dapat patunayan sa It’s Showtime – Cristy Fermin

Ervin Santiago - March 31, 2024 - 12:45 AM

Eat Bulaga wala nang dapat patunayan sa It's Showtime' - Cristy Fermin

‘It’s Showtime’ hosts at sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

IPINAGTANGGOL ni Cristy Fermin ang “Eat Bulaga” sa bashers ilang araw bago ang inaabangang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA Network.

Ngayong buwan ng Abril, inaasahan ang mas matindi at mas mainit pang tapatan ng dalawang noontime show dahil nga mapapanood na rin ang Kapamilya noontime show sa Kapuso station.

Marami ang nagsasabing tuluyan na raw matatalo ng programa nina Vice Ganda, Anne Curtis at Vhong Navarro ang longest-running noontime show sa Asia na pinangungunahan pa rin nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!

Ngunit naniniwala naman ang award-winning veteran columnist at TV-radio host na si Nanay Cristy Fermin na wala nang dapat pang patunayan pa ang “Eat Bulaga” sa “It’s Showtime.”

“Wala nang dapat pang patunayan ang ‘Eat Bulaga’ at ‘Dabarkads.’ Ano pa ba? ‘Di ba? Sila nga ang may hawak ng korona, e,” ang pahayag ni Nanay Cristy sa programang “Cristy Ferminute.”

Feeling din ng online host, hindi na uso ngayon ang bardagulan at patutsadahan sa mga noontime show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam mo ‘yung hindi masasatsat, ‘yung na wala na silang iniisip at wala na kasing dapat pang patunayan. ‘Yun ‘yung mga tahimik lang.

“Ang mahalaga, babantayan nila ang kanilang programa, paghuhusayan pa nila lalo para sa ikakatuwa ng ating manonood. ‘Yon naman talaga dapat, ‘di ba,” sabi pa ni Nanay Cristy.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta ‘nakatikim’ kay Cristy Fermin: ‘Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili’

“Hindi ‘yung kung anu-anong sasabihin, bardagulan dito, personalan dyan. Hindi na po uso ‘yan ngayon. Hindi na talaga,” dagdag pa niya.

Last March 20, naganap ang makasaysayang contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA 7 para sa pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa bago nitong bahay.

Sa gitna ng historic moment na ito, may balitang binigyan daw ng GMA ng tatlong buwang palugit ang “It’s Showtime” para talunin ang “Eat Bulaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito raw ang dahilan kaya nagsabi si Vice Ganda sa contract signing nila sa GMA 7 ng, “Nakaka-pressure!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending