Showtime binigyan ng 3 buwan para talunin ang Eat Bulaga?

It’s Showtime binigyan ng 3 buwan ng GMA para talunin ang Eat Bulaga?

Reggee Bonoan |March 24,2024
facebook
share this

It’s Showtime binigyan ng 3 buwan ng GMA para talunin ang Eat Bulaga?

Reggee Bonoan - March 24, 2024 - 03:38 PM

It's Showtime binigyan ng 3 buwan ng GMA para talunin ang Eat Bulaga?

‘It’s Showtime’ hosts at mga bossing ng GMA 7 at ABS-CBN

SA pagpasok ng “It’s Showtime” sa GMA 7 ay siguradong mas magiging matindi pa ang laban ng naturang programa at ng “Eat Bulaga” sa TV5.

Isa ito sa mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens na nagsabing mas may tiwala pa raw ang GMA sa mga Kapamilya stars kesa sa kakayahan ng sarili nilang mga talents?

Tanda namin noon ay laging panalo sa ratings game ang programang “Sis” nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villarroel pero nang umere na ang “It’s Showtime” sa ABS-CBN ay unti-unti nang lumamya ang show hanggang sa tuluyan na itong mamaalam sa ere.

Baka Bet Mo: Janella Salvador inokray ng netizen, ‘bumigay’ raw sa pogi kaya naging single mom

Ang mga taong bumuo ng “Sis” ay siya ring nasa likod ng programang “Tiktoclock” na asang-asa na raw na sila ang ipapalit sa “Tahanang Pinakamasaya” pero biglang nabago ang plano at ang “It’s Showtime” nga ang napiling ipalit na mapapanood na simula sa Abril 6.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Anyway, trulili rin kaya ang nasagap naming tsikahan mula sa Kapuso Network na binigyan nila ng tatlong buwang palugit ang “It’s Showtime” para talunin ang “Eat Bulaga?”

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

Ito raw pala ang dahilan kaya nagsabi raw si Vice Ganda sa contract signing nila sa GMA 7 ng “Nakaka-pressure!”

Parang ang iksi naman ng tatlong buwang palugit, hindi ba puwedeng anim hanggang isang taon?

Naniniwala naman kaming magiging maganda ang collab ng “It’s Showtime” at GMA lalo na kung magpapasok din sila ng sarili nilang artists na may alam din sa hosting na hindi lang nabibigyan ng tamang exposure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para sa magiging pahayag ng GMA 7 at “It’s Showtime” para linawin ang balitang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending