Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon | Bandera

Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

Therese Arceo |April 02,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

Therese Arceo - April 02, 2022 - 11:59 AM

Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon

LABIS ang kilig na naramdaman ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes matapos niyang makita sa Twitter ang “pagkumpirma” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle ng kanilang relasyon.

Isang post kasi mula sa Twitter patungkol kina Donny at Belle ang agad na nag-viral.

“JUST IN: The long wait is over! Actress Belle Mariano and Actor Donny Pangilinan are now Officially a Couple! BEST WISHES DONBELLE,” saad sa naturang tweet kalakip ang larawan ng dalawa.

Kaya naman hindi mapigilan ng fans maging ni Andrea ang kanilang kilig matapos makita ang naturang tweet.

Ngunit ang kanyang kilig ay naglaho matapos niyang ma-realize kung anong araw ipinost ang diumano’y “announcement” ng DonBelle.

“Hoy kinilig na ako tapos na realize ko kung anong date ngayon,” saad ni Andrea.

Kapani-paniwala kasi sa unang tingin at parang “legit” ang naturang DonBelle post dahil ginamit ang mismong logo ng ABS-CBN Entertainment Twitter page pati ang pangalan nito pero kung papansinin mo ang Twitter handle ay doon mo malalaman na parody account ito.

Bukod pa rito, ipinost rin ito noong April 1 kung saan talamak ang pranks dahil nga April Fools’ Day.

Marami naman sa mga DonBelle fans ang nakaramdam ng pagka-hopia dahil sa post.

“Gusto ko sanang kiligin kaso naalala ko April Fools ngayon,” comment ng isang netizen.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

 

Saad naman ng isa, “Hindi po ako nakikipagbiruan. Sana hindi masarap ulam ninyo.”

“Beh paano kung totoo to tapos pinost nila ngayon para hindi tayo maniwala kasi April fools day?” hirit pa ng isa na tila umaasa na hindi sila nabudol ng DonBelle prank ng kapwa netizen.

At dahil nag-trending na nga ang naturang post ay ginamit na lamang rin ito ng mga fans para i-promote ang bagong brand endorsement ni Belle.

Bukod rito, ipinost na rin ng DonBelle fans sa reply section ng naturang tweet ang trailer ng “He’s Into Her” season 2 na pinagbibidahan nina Donny at Belle na ipapalabas ngayong April para i-promote ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland

DonBelle binansagang New Gen Phenomenal Love Team, susunod sa yapak ng KathNiel

Netizens kilig sa ‘couple’ Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending