Donny nagpa-yummy para sa bagong serye nila ni Belle, todo workout
“NAGPAPA-YUMMY” ngayon ang Kapamilya star na si Donny Pangilinan para sa upcoming series nila ni Belle Mariano na “How To Spot A Red Flag.”
Kinakarir ng binata ang pagwo-workout bilang paghahanda sa bagong project nila ni Belle na kukunan pa sa La Union kaya ina-anticipate na niya ang mga eksena nila sa beach.
“I have been working out a lot kasi La Union, beach ‘yun eh, so kailangan medyo fit ako du’n. Hindi naman beach body, siguro mas fit lang,” ang pahayag ni Donny sa panayam ng media pagkatapos ng contract signing niya sa ABS-CBN recently.
Patuloy na kuwento ng ka-loveteam ni Belle, “I’m getting into ‘yung mga cold plunge, ice bath du’n ako interested.” Mga 8 to 10-minute ice bath daw ang kanyang ginagawa bilang bahagi ng kanyang fitness routine.
Baka Bet Mo: Carlo Aquino binansagang ‘walking red flag’ ng isang netizen, mas malala raw kay Gerald Anderson?
Ano nga ba ang benefits ng ice bath, “Your anxiety levels go down, your mental health gets better, you sleep becomes better, your recovery becomes better. It’s different per person.
“There are a lot of studies that show waking up and doing cold plunge or after working out when your body is still hot so it can recover well,” dagdag ni Donny.
View this post on Instagram
Ibinalita rin ng binata na natapos na nila ang first cycle ng shoot para sa “How To Spot A Red Flag” at talaga raw na-enjoy niya ito nang bonggang-bongga.
“Ako very much beach boy ako and the fact that we got to shoot in one of my favorite places, just being in the beach in general, super refreshing.
“I am very excited. First cycle pa lang natatapos namin and I am looking forward to the rest of the cycle,” aniya pa.
“I think this is something that a lot of our supporters have been waiting for, to come up with a project na iba naman ‘yong atake. Medyo light naman, feel good; very different from our previous projects as well,” sey pa ni Donny.
Makakasama ng DonBelle sa seryeng ito sina Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr, at Kira Balinger, mula sa direksyon ni Dwein Baltazar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.