Anak ni Bong nanumpa bilang doktora; DonBelle namigay ng P50k

Anak ni Bong nanumpa na bilang doktora; DonBelle namigay ng P50k

Ervin Santiago - November 28, 2024 - 05:59 PM

Anak ni Bong nanumpa na bilang doktora; DonBelle namigay ng P50k

WALANG pagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. at ang kanyang buong pamilya dahil isa na ngang ganap na doktor ang kanyang anak na si Loudette Revilla.

Si Dra. Loudette ay nanumpa na bilang full-fledged physician noong Biyernes, Nobyembre 22, 2024 sa Philippine Convention Center ( PICC).

Nagtapos ang anak nina Sen. Bong at Lani Mercado ng kanyang pre-medical studies sa Ateneo de Manila University at sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) naman para sa kanyang Doctor of Medicine degree.

Baka Bet Mo: Bong Revilla 2 parangal ang natanggap bilang public servant

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nakapasa siya ng Physicians Licensure Examination noong Oktubre, taong ito.

Ang kanyang achievement ay isang mahalagang yugto hindi lamang para sa kanyang sarili kundi sa buong pamilya Revilla na kasalukuyang nagbubunyi pa sa tagumpay ni Dra. Loudette.

* * *

Nagbabalik ang isa sa pinakaminahal na segment ng madlang people na “Trabahula” sa bagong bihis nitong “And The Breadwinner Is” kung saan bibigyan pugay ang mga bayani ng bawat pamilya.

Sa unang episode nito ngayong araw, sinubok ang phenomenal loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano at kanilang madlang partner kung kaya nilang mahulaan ang call center na breadwinner sa tatlong players base sa kilos, kilatis, at katanungan.

Sa kasamaang palad ay hindi nga nila napili ang tamang player at umuwi ang kanilang madlang partner ng consolation prize na P5,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kinilala nina Vice at hosts ng “It’s Showtime” ang tunay na call center at breadwinner na si Ana Marissa de Mesa. Nag-uwi ito ng negosyo package at sapatos.

Hindi pa natapos ang blessings na natanggap ni Ana dahil dinagdagan pa ni Vice ang premyo niya ng P20,000 at refrigerator habang naantig din sa kwento niya ang DonBelle at binigyan din siya ng karagdagang P50,000.

Inabangan at tinutukan naman ng netizens ang bagong segment ng “It’s Showtime” kaya naman nagtrending ang #AndTheBreadwinnerIsShowtime at ang pagbisita nina Donny at Belle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending