Bong Revilla 2 parangal ang natanggap bilang public servant

Bong Revilla 2 parangal ang natanggap bilang public servant

Ervin Santiago - November 26, 2024 - 07:59 AM

Bong Revilla 2 parangal ang natanggap bilang public servant

Bong Revilla

DAHIL sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagiging public servant, ginawaran si Sen. Bong Revilla ng parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Tinanggap ng senador at seasoned actor ang “Asia’s Distinguished Leader in Public Service” mula sa Asia’s Pinnacle Awards 2024 at “Gawad Pilipino Lingkod Bayan Award” mula naman sa Gawad Pilipino Awards.

Patunay ang mga parangal na ito ng patuloy na dedikasyon niya sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino at ng makabuluhan niyang ambag sa pamamahala at paggawa ng batas.

Ang Asia’s Pinnacle Awards ay isang nangungunang kinatawan na nagbibigay- pugay sa kahusayan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang pampublikong serbisyo, negosyo, at industriya ng aliwan.

Baka Bet Mo: Sam Verzosa sinisira ng bayarang trolls: Pero hindi ako natatakot

Namukod-tangi si Revilla sa mga nominado dahil sa kanyang makabagong pamumuno, malikhaing paggawa ng polisiya, at matatag na pagkalinga sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Ang parangal ay tumutukoy sa kanyang mga nagawa bilang mambabatas, kabilang ang pagiging pangunahing may-akda ng mga batas tulad ng “Kabalikat sa Pagtuturo (KaP) Act” (RA 11997), “No Permit, No Exam Prohibition Act” (RA 11984), “Free College Entrance Examination Act” (RA 12006), Pagpapalawak ng Saklaw ng Centenarians Act (RA 11982), at “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act” (RA 11909), bukod sa iba pa.

“Nagpapasalamat ako sa mga pagkilalang iginawad sa akin bilang isang lingkod-bayan. These recognitions are not just for me but for every Filipino who dreams of a better future.

“Ang makapaglingkod sa bayan ay isang pribilehiyo kaya iniaalay ko ang lahat ng ito sa mga kababayan kong patuloy na nagsisilbing
inspirasyon sa akin para magsikap lalo sa trabaho natin,” pahayag ng senador.

Ang mga parangal ay nagbigay-diin sa kanyang adbokasiya para sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, katarungang panlipunan, at pagpuksa sa kahirapan.

Kilala sa kanyang slogang “Aksyon sa Tunay na Buhay,” si Revilla ay patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibong tumutugon sa tunay at agarang pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang mga karangalang ito ay patunay na hindi lang tayo basta nagbutas ng upuan at nagpapogi sa Senado. We really did some hard work, and now we are reaping the fruits of our dedicated effort to champion the welfare of the people,” pahayag pa ni Sen. Bong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending