Cristine napaluwas ng Maynila, stepfather nag-agaw buhay: ‘Lumalaban pa rin!’

PHOTO: Instagram/@cristinereyes
NAGMADALING lumuwas pa-Maynila ang aktres na si Cristine Reyes matapos mabalitaang naging kritikal ang kondisyon ng kanyang stepfather na si Romeo.
Sa Instagram Story, makikita ang picture nila ng kanyang anak na si Amara na nakatayo sa labas ng World Citi Medical Center kung saan naka-confine ang ama.
Walang impormasyon kung bakit naospital ito, pero ibinunyag niya na nag-agaw buhay si Ginoong Romeo.
“From Baguio to Manila. Nagising ako sa tawag at texts na nag-agaw buhay si daddy. Tumakbo agad ako sa ospital para makita kundisyon niya,” bungad niya sa caption.
Baka Bet Mo: Cristine Reyes naghahanap ng house for rent para sa ama-amahang maysakit
Aniya pa, “Lumalaban pa rin si daddy. walang imposible.”

PHOTO: Instagram Story/@cristinereyes
Kung maaalala, ito na ang ikalawang beses na ibinandera ng celebrity mom ang medical health condition ng kanyang stepfather.
Taong 2023 nang ibinahagi ni Cristine na nasa gitna siya ng taping nang isinugod sa ospital ang kanyang ama.
“Pinag-alala mo ko. Namaga mata ko tuloy hindi matakpan ng make-up sa taping. Salamat sa mababait na mga kasama ko sa taping at inalagaan din nila ako ng walang pagtatanong,” sey niya noon.
Para sa mga hindi aware, si Ginoong Romeo ang isa sa adoptive parents ni Cristine.
Magugunita last year na nag-open up siya tungkol sa kanyang biological father na nasa Tawi-Tawi ngunit ito ay pumanaw na.
“He’s from Tawi-Tawi, he’s a Muslim. He passed already. Two years ago that was the time before I did the Marcos film ‘Maid in Malacañang.’ I went to Zamboanga because he’s dying. Then he died. That’s when I decided to shut everybody out in the family. Para hindi sila nagsu-support kasi I went there,” pagbabahagi niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.