Cristine Reyes nagluluksa sa pagkamatay ng tatay-tatayan: Sorry

Cristine Reyes nagluluksa sa pagkamatay ng adoptive father: Sorry…

Ervin Santiago - April 20, 2025 - 02:50 PM

Cristine Reyes nagluluksa sa pagkamatay ng tatay-tatayan: Sorry...

Cristine Reyes at Demetrio Pascual

PUMANAW na ang o tatay-tatayan ni Cristine Reyes na si Demetrio “Metring” Pascual. Sa litratong ipinost ng aktres sa social media, makikitang noong April 17 namaalam ang kanyang ama.

Ibinahagi ng aktres ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang  ginawa niyang mini vlog na may titulong “Life with Daddy Metreng.”

Sa naturang video, mapapanood ang mga naging kaganapan sa pagdalaw ni Cristine sa bahay ng kanyang Daddy Metreng sa Santolan, Manila, kung saan siya nanirahan ng ilang taon.

Sa isang bahagi ng kanyang vlog, tinuruan ni Cristine ang kanyang ama na sabihin sa harap ng camera ang mga katagang, “Ako ang pinakamabait mong anak-anakan.”

Itinuro naman siya ng kanyang tatay at sinabing, “Ito ang pinakamabait at pinakamagaling kong anak.”

Sa caption ng aktres, sinabi niyang ang naturang video ang last memory ng kanyang Daddy Metreng na ite-treasure niya forever.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cristine (@cristinereyes)


“Itong video na ito ang huling alaala na itatabi ko. Ang ating huling salo-salo sa ating munting tahanan na punong-puno ng masasayang alaala.

“Ang iyong huling ngiti at halakhak dito ang palagi kong aalalahanin, daddy.

“Sorry kung hindi ko na kinaya makita ka sa ospital. Pinagsisisihan ko na hindi kita nahagkan sa iyong huling hininga.

“Luhaan man kami ngayon, alam namin na payapa ka na. Hindi ka namin makakalimutan, daddy. Kulang ang salitang ‘salamat,’ Dy.

“Bagkos ako’y lubos at taos-pusong nagpa-pasalamat sa pag-busog mo sa akin, sa amin ng pagmamahal, pag-gabay at pag-aruga.

“Napaka-swerte namin lahat sa’yo sa lahat ng binigay mo na walang katumbas na halaga.

“Ikaw ang tunay naming kayamanan.

“Rest in peace, Daddy Metreng. Daddy Yow. Lolo Dad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Love and light, always!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending