Cristine Reyes naghahanap ng house for rent para sa ama-amahan

Cristine Reyes naghahanap ng house for rent para sa ama-amahang maysakit

Therese Arceo - March 08, 2025 - 10:43 AM

Cristine Reyes naghahanap ng house for rent para sa ama-amahang maysakit

HUMINGI ng tulong ang aktres na si Cristine Reyes sa madlang pipol para makahanap ng maaaring upahang bahay para sa ama-amahan niyang maysakit.

Sa kanyang Instagram story nitong Huwebes, March 6, ay ibinahagi niya ang larawan niya kasama ang isang babae at isang lalaki na nakasakay sa isang wheelchair.

“Looking for a house to rent around Santolan, Pasig City. My ‘tatay-tatayan’ is in bad shape and needs sunlight. Ayaw din umalis dito sa Santolan kaya we need help kung may alam kayo na bahay na pwede upahan, dito lang sa Santolan, Pasig City,” saad ni Cristine sa kanyang IG story.

At para nga mas mapadali sila sa paghahanap ng baha

Baka Bet Mo: Cristine Reyes basag na basag matapos makiramay sa pagkamatay ni Barbie Hsu

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At para mas mapadali sila Cristine sa paghahanap kung saan maaaring tumira ang kanyang tatay-tatayan ay nagbigay siya ng mobile number kung saan siya pwedeng i-contact para sa suggestion na bahay.

Matatandaang noong 2023 ay binisita rin niya ang kanyang tatay-tatayan.

Nagbahagi pa nga si Cristine ng isang post kung saan ipinahayag niya ang kanyang naging pag-aalala sa ama-amahan.

“Pinag-alala mo ko. Namaga mata ko tuloy hindi matakpan ng make-up sa taping. Salamat sa mababait na mga kasama ko sa taping at inalagaan din nila ako ng walang pagtatanong,” saad noon ng aktres.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending