Donny, Belle buking ang ‘red flags’ ng isa’t isa, aminadong hindi perfect
NAGPAKATOTOO ang magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pagsagot sa tanong kung may nakita ba silang mga “red flag” sa isa’t isa.
Nahirapan mang sumagot, diretsahan pa rin ang naging pahayag ng Kapamilya onscreen partners sa naturang question sa naganap na presscon para sa kanilang ABS-CBN series na “How To Spot A Red Flag.”
Ayon kina Donny at Belle, sa ilang taon pagsasama nila sa trabaho, nakilala na nila ang ugali at personalidad ng isa’t isa, kabilang na rito ang kanilang red at green flags.
Sabi ni Donny, “Siyempre, may nakita kami (red flag), di ba? But it’s not the type of red flag na ayaw mo nang makasama or ganu’n.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang ‘red flag’ ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap
“Siguro it’s the type of red flag na…people really would have it, like, at times yung usual stuff like, for me…” ang biting pahayag ni Donny na itinuloy naman ni Belle.
Sey ng aktres, “Alam ko yung sa yo. Sasabihin ko. Umiinit ang ulo niya kapag hindi siya kumakain.”
View this post on Instagram
“Ikaw rin, ah!” ang natawang baling ng aktor sa kanyang ka-loveteam.
Dagdag naman ni Donny tungkol sa sarili niyang red flag, “Or pag walang tulog nagiging (moody), parang ganu’n. So, hindi na ako masyadong nakikinig sa mga nangyari kasi I have to be in one spot lang. And then easily triggered, yung ganu’n.”
Naniniwala rin ang binata na lahat naman ng tao ay may red flags, “Everyone has it, and it’s all about communication.
“As long as it’s not to a point na you guys are already hurting each other, you can’t be with each other anymore, you can’t work with each other, you can’t see each other.
“That’s when it’s unhealthy. But the type of red flags we have, we talk about it and we go through them,” esplika pa ng aktor.
Um-agree naman si Belle sa kanyang leading man, “We communicate openly. Lahat naman tayo may red flags. Minsan nga hindi tayo aware na may mga red flags tayo, di ba? Tayo mismo.”
Pagpapatuloy ni Donny, “Lahat naman tayo we have some form of red flag inside of us. Lahat naman tayo, di ba? Wala namang perpektong tao.”
Kaya naman marami raw siyang realizations habang ginagawa nila ni Belle ang “How To Spot A Red Flag”, “I think I saw it more here in the show na before seeing a person as a flag, you have to understand that they went through a lot of stuff, which is why they got to that point.”
Sey naman ni Belle, “There are no bad people. People are just doing decisions because of their bad situations or bad experiences.”
Mapapanood na ang “How To Spot A Red Flag” sa ABS-CBN primetime simula sa January 27. Nauna na itong ipinalabas sa streaming platform na Viu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.