Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang 'red flag' ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap | Bandera

Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang ‘red flag’ ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap

Therese Arceo |October 13,2023
facebook
share this

Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang ‘red flag’ ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap

Therese Arceo - October 13, 2023 - 08:54 AM

Ogie Diaz dinepensahan si Joshua Garcia matapos akusahang 'red flag' ng netizens: Mabilis lang siyang nakahanap

IPINAGTANGGOL ng talent manager na si Ogie Diaz si Joshua Garcia laban sa mga netizens na nagsasabing isa siyang “red flag“.

Sa kanyang latest upload ng “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena ay napag-usapan nila ang binata kasama ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.

Hirit pa ni Ogie, “Hoy Joshua. Madalas ka naming nakikita na may kasamang kang babae. Girlfriend mo ba ‘yan, anak?”

Sey naman ni Mama Loi, “Mukhang very open na sila kasi nagpo-post na sila ng pictures together na sweet sila ni Emilienne Vigier.”

Chika pa ni Mama Loi kina Ogie at Mrena, hindi naman daw idini-deny ni Joshua ang relasyon nila ng atleta ngunit nais niyang maging pribado ang kung anong meron sila.

Ngunit may mga netizens ang diumano’y isinasama ang “Unbreak My Heart” star sa mga “red flags” dahil sa bilis nitong magpalit ng dyowa.

Baka Bet Mo: Rumored dyowa ni Joshua Garcia walang balak mag-showbiz: ‘Ayaw niya, masyadong magulo ang industriya natin’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi naman siya [Joshua] nag-overlapping. Pagkatapos ng isa, siguro mabilis lang siyang nakakahanap ‘no! Madali siyang nakaka-move on,” saad ni Ogie.

Ayon pa sa kanya, napakagwapo rin kasi ng Kapamilya star at kahit siya ay nagkaka-crush rito.

Matatandaang noong 2022 nang lumabas ang chika na may something sa pagitan ni Joshua at ng social media influencer na si Bella Racelis.

Noong September 2023 nang magbahagi ang aktor ng compilation ng mga larawan ni Bella in black and white kaya naman marami ang nagsabi na may “something” sa dalawa.

May mga chika ring magkasamang nagbakasyon sa Japan sina Bella at Joshua dahil sa pagkakapareho ng mga lugar kung saan kinunan ang mga larawang ibinahagi nila sa social media.

Ngunit nitong April 2023 ay napansin ng mga netizens na in-unfollow ni Bella ang Kapamilya actor sa Instagram na tanda na mukhang nagtapos na kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang hingin ang pahayag ni Joshua ukol sa isyu, ang tanging sinabi lang nito ay “I think, we’re good.”

Related Chika:
Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

Joshua Garcia certified ‘higop king’, Jodi Sta. Maria hindi nakaligtas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending