Joshua Garcia certified ‘higop king’, Jodi Sta. Maria hindi nakaligtas
TRENDING na naman ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia matapos pag-usap sa social media ang ilang mga eksena mula sa trailer ng “Unbreak My Heart”.
Ang naturang proyekto ay ang kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN, GMA-7, at Viu Philippines na pagbibidahan ng aktor kasama sina Richard Yap, Jodi Sta. Maria, at Gabbi Garcia.
Talaga namang pigil hininga para sa mga netizens ang eksena ni Joshua kung saan may mainit silang eksena ng kapwa Kapamilya star na si Jodi na parang mayroong namamagitang May-December love affair.
“Let destiny find its way to show you a love that is beyond ordinary!
GMA Network, ABS-CBN Entertainment and Viu proudly present a Dreamscape Entertainment production.
“Abangan ang #UnbreakMyHeart starring Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap and Jodi Sta. Maria!” caption ng GMA Network kalakip ang teaser ng naturang proyekto.
Matapos mapanood ang teaser ay mas lalong tumibay ang pagtawag sa aktor bilang “Higop King” dahil sa intense ng kanilang halikan ng kapwa Kapamilya artist.
Matatandaang nag-trending noon si Joshua dahil sa “panghihigop” niya sa labi no Janella Salvador sa TV series na “Darna” at ngayon nga ay usap-usapan siya ngayon sa social media dahil sa halikan nila ni Jodi.
Baka Bet Mo: Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’
“Grabe yung higupang Joshua and Jodi, no one expected this!!!!” komento ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Teaser pa lang kaabang abang na.. fantastic casting. Kapuso at kapamilya collab wow na wow!”
“Iba talaga ang dreamescape grabe yun joshua,” hirit naman ng isa.
Marami rin ang excited sa muling pagtatambal nina Jodi at Richard na unang minahal ng madlang pipol sa Kapamilya TV series na “Please Be Careful With My Heart”.
Bukod kina Jodi, Joshua, Gabbi, at Richard, kasama rin sa teleserye sina Eula Valdes, Nikki Valdez, Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Gardo Versoza, Victor Neri, Jeremiah Lisbo at Dionne Monsanto.
Related Chika:
May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?
Jodi Sta. Maria: Hindi ito ang panahon para manahimik lang, kailangang manindigan na tayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.