Jodi Sta. Maria: Hindi ito ang panahon para manahimik lang, kailangang manindigan na tayo
DEDMA lang ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa naging pahayag ni Iwa Moto na sana’y hindi na lang niya in-announce sa social media kung sino ang sinusuportahan niyang kandidato ngayong eleksyon.
Hindi kasi ang lolo ng anak niyang si Thirdy na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang iboboto nitong pangulo sa darating na Mayo 9.
Nananatiling magkaibigan sina Jodi at Iwa at hindi ito magiging dahilan para masira ang magandang samahan nila para sa mga anak nilang sina Thirdy, Mimi at CJ.
Samantala, nagpasya si Jodi na lumabas at magbahay-bahay para sa tatlong kandidato na pinaniniwalaan niya.
Kasama ang iba pang volunteers, nag-ikot si Jodi sa Barangay Tumana sa Marikina City para ikampanya sina Vice President Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan at ang human rights lawyer na si Chel Diokno, na tumatakbo bilang pangulo, bise presidente at senador, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Iba talaga pag personal mong nakakausap ang mga tao. Totoo @PepeDiokno maraming willing makipagusap at makinig 💕 #ipanalona10ito 🌸💕🌸💕🌸 https://t.co/S3vlOFWHlv
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) May 3, 2022
“This is what I stand for and many have known me to be, you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for,” wika niya.
“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino iyong mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink,” dagdag pa niya.
Iginiit pa ng aktres na hindi niya ginagawa ito para sa kanyang sarili kundi para sa mga Filipino at para sa Pilipinas.
“Kung ito ang magiging contribution ko, then I’m very much willing na suungin iyong init, iyong pagod, itong mga bagay na ginawa, para sa Pilipinas,” aniya.
Nang tanungin kung bakit siya nagpasyang suportahan ang mga nabanggit na kandidato, sinabi ni Jodi na nakikita niya ang kanyang core values sa mga ito.
“Ako kasi naniniwala ako na you are who you vote for and sila iyong mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na naka-importante sa akin bilang tao,” paliwanag ni Jodi.
“Importante sa akin ang pagiging matapat, importante sa akin ang pagiging hardworking, importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila ko nakikita iyong mga katangian na pinapahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat,” dugtong pa niya.
Nagpasalamat naman si Jodi sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga residente ng Barangay Tumana.
“Nakakatuwa kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging mga suplado or hindi kami napansin pero they’re very open, they’re very open to listen to what we have to say,” dagdag pa ni Jodi Sta. Maria.
Related Chika:
Iwa Moto sa pagsuporta ni Jodi kay VP Leni: Hindi na lang sana siya nag-announce…
Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping
Jodi Sta. Maria 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.