Iwa Moto sa pagsuporta ni Jodi kay VP Leni: Hindi na lang sana siya nag-announce... | Bandera

Iwa Moto sa pagsuporta ni Jodi kay VP Leni: Hindi na lang sana siya nag-announce…

Ervin Santiago - April 28, 2022 - 09:34 AM

Iwa Moto at Jodi. Sta Maria

NANG dahil sa patuloy na umiinit na usapin tungkol sa Eleksyon 2022, may mga nagsasabi na baka raw magkasira rin ang magkaibigang Iwa Moto at Jodi Sta. Maria.

Ito’y matapos na maglabas ng saloobin ang dating Kapuso actress at StarStruck Avenger na si Iwa Moto sa pagsuporta ni Jodi kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Isa sa mga kalaban ni VP Leni sa pagkapangulo sa darating na May 9 elections si Sen. Panfilo Lacson na  dating father-in-law ni Jodi.

Naging asawa ng aktres noon ang anak ni Sen. Ping na si Pampi Lacson, na karelasyon naman ngayon ni Iwa.

Sa kanyang Instagram account, game na game na sumabak si Iwa sa “Ask me anything” challenge at dito nga siya natanong ng isa niyang follower ng, “Ano po ang masasabi n’yo na Leni-Kiko si Jodi?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)


Deleted na ang Instagram Story ni Iwa ngunit may mga netizens na nakapag-screenshot nito kaya mabilis na kumalat sa social media.

Ayon kay Iwa, hindi na siya na-shock sa naging desisyon ni Jodi na suportahan si VP Leni kesa kay Ping dahil napag-usapan na nila ito bago pa magsimula ang election season.

Sey ng aktres, nirerespeto niya ang political stand ni Jodi pero sana raw ay hindi na niya ito ibinandera sa buong universe.

“Hmmm…not that surprised.. coz we talked about it before. She said she’s still undecided that time. Of course I will respect her decision.

“Was just hoping na d nalang sya nag announce hihi. Syempre father in law namin yung kalaban na candidate (laughing with tears emojis). LOL! Bwahahaha!” pahayag ni Iwa.

Pero mabilis din namang nilinaw ng ex-Kapuso star na hindi ito magiging hadlang sa maayos na relasyon nila ng Kapamilya actress at hindi rin nito masisira ang kanilang pamilya tulad ng sinasabi ng ibang tao.

“Kahit naman iba iboto nya di naman mababago na pamilya kami. At mahal naming at nirerespeto ang isat isa. Syempre may sarili kaming utak at iba iba kami ng opinyon,” diin pa niya.

Samantala, hindi pa naman lantaran ang pagsuporta ni Jodi sa kandidatura ni VP Leni. Tanging sa Twitter pa lang siya nagpapahayag ng kanyang saloobin.

Kamakailan, ipinost nga ni Jodi ang kanyang viral dialogue sa seryeng “The Broken Marriage Vow” na “Papunta na tayo sa exciting part” with matching heart emojis at pink flowers emojis na siya ngang kulay ng partido ni VP Leni.

Komento ng isa niyang fan, “Amor Powers, Claudia Salameda-Buenavista, Ynamorata Macaspac Angelo Barcial, and Lía Buenavista… all for LENI!” Na ang tinutukoy ay ang mga pinasikat na karakter ni Jodi sa mga ginawa niyang teleserye.

Nauna rito, natanong din ng isang netizen si Jodi ng, “How about your presidentiabl, ate? nakapili ka na po ba? Hihi!”

“Dalawa lang pinagpipilian ko,” sagot sa kanya ni Jodi.

https://bandera.inquirer.net/294945/iwa-moto-sa-mga-nagbabangayan-ukol-sa-politika-respect-one-another

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296871/magkaiba-si-vp-leni-at-bongbong-marcos
https://bandera.inquirer.net/304172/edu-nikki-jim-hindi-rin-natuwa-sa-interview-ni-boy-kay-vp-leni-let-maam-speak-please

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending