Jodi handang humarap sa 'fake news' hearing ng Kongreso

Jodi Sta. Maria handang humarap sa ‘fake news’ hearing ng Kongreso

Ervin Santiago - April 01, 2025 - 01:41 PM

Jodi Sta. Maria handang humarap sa 'fake news' hearing ng Kongreso

Jodi Sta. Maria at ang iba pang cast members ng ‘Untold’

HANDANG dumalo ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa isinasagwang “fake news” hearing ng Tri House Committee sa Kongreso.

Ilang kilalang celebrities ang inimbitahan ng House of Representatives para sa naturang pagdinig tulad nina Vice Ganda, Baron Geisler, Ruffa Gutierrez at Mon Confiado.

NoongMarch 21, nagkaroon ng joint inquiry sa Congress ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, and Public Information.

Ito’y sa pangunguna ni Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, na siyang nagsilbing lead chairperson ng Committee on Public Order and Safety. Ilang content creators ang present sa hearing.

Base sa naganap na pagdinig, bukod sa mga government officials, matindi rin ang epekto ng mga fake news sa social media sa mga artista at mga TV personality.

Ilan sa mga nabanggit na celebrities na nabiktima ng fake news base sa research ng House Tri Committee, ay sina Catriona Gray, Angel Locsin, Liza Soberano, Julia Barretto at Gerald Anderson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Kabilang din sa sa listahan ang mga broadcast journalist na sina Jessica Soho at Atom Araullo at ang mga atleta na sina Hidilyn Diaz at EJ Obiena.

Sa susunod na hearing ng Kongreso ay inaasahang makakadalo na ang nabanggit na personalidad at kung mabibigyan ng formal invitation, game rin si Jodi na mag-share ng kanyang mga nalalaman at naranasan about fake news.

“Kung ano siguro ‘yung maitutulong ko, kung sa palagay nila, importante ‘yung boses ko at ‘yung sasabihin, bakit naman hindi?” ang pahayag ni Jodi sa grand mediacon ng latest horror movie niyang “Untold” under Regal Entertainment.

Dagdag pa niya, “Tulad nga ng sabi ko kanina, wala namang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Lahat tayo, mayroon tayong responsibilidad para sa isa’t isa.”

Sey pa ng Kapamilya actress, talagang kailangang palakasin pa ng gobyerno ang batas para sa mga nagpapakalat ng fake news.

Ang advice pa niya sa publiko, ugaliing mag-fact check bago mag-post, mag-like at mag-share ng mga nababasa sa social media.

Samantala, muling bibida si Jodi sa suspense-horror na “Untold” na idinirek ni Derick Cabrido, ang filmmaker na nasa likod ng matagumpay na “Mallari” ni Piolo Pascual na naging entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Gagampanan ni Jodi sa movie ang karakter ni Vivian Vera, isang award-winning journalist na may madilim na nakaraan na manggugulo sa buhay niya sa kasalukuyan.

In fairness, trailer pa lang ay mapapasigaw ka na sa mga eksena ni Jodi at ng iba pang cast members ng movie na sina JK Labajo, Joem Bascon, Gloria Diaz, Lianne Valentin, Sarah Edwards at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Kuwento ni Direk Derick, maraming buwis-buhay na eksena si Jodi sa “Untold”. Hindi raw nagpa-double ang aktres nang tu­malon siya sa 4th floor ng isang building.

Game na game at wala raw reklamo si Jodi nang sabihin ni Direk Derick na kailangan niyang gawin ang nasabing eksena.

Hindi raw kasi talaga pwede ang double dahil kailangan ring makita ang expression ng aktres sa nasabing eksena. At apat na beses daw inulit ni Jodi ang naturang eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde, Rated R-13  with no cuts ang “Untold” na ginastusan nila ng P70 million. Showing na ito sa April 30 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending