Jodi 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001 | Bandera

Jodi 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

Jodi 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 07:22 AM

Jodi Sta. Maria

APAT na buwan pa lang si Jodi Sta. Maria sa sinapupunan ng ina nang bigla na lang silang iwan ng kanyang tatay.

Inamin ng Kapamilya actress na talagang hinanap niya ang kanyang biological father nang hindi nalalaman ng mother niya dahil ayaw niya itong mag-alala pa.

Nang tumuntong siya sa edad 14 o 15, doon na raw niya naisip kung nasaan ba talaga ang tatay niya na kahit kailan ay hindi niya nakasama at nakita.

“Doon ako nag-start mapaisip na kung may mom ako, then nasaan na yung dad? My mom would always tell us na he’s abroad, working. 

“Later on ko na lang nalaman what really happened between them. My mom was about four months pregnant with me when my dad left her. She was left on her own to raise me,” pahayag ni Jodi nang nakachikahan niya si Karen Davila sa latest vlog nito sa YouTube.

Noong nag-aartista na siya, nagdesisyon na siyang hanapin ang tatay niya, “To cut the long story short, nakahanap ako ng (pagkakataon) and this person gave me a website na puntahan ko raw.

“Tapos tinype ko yung name ko and nandoon ako sa family tree. So nagkaroon na ng mukha yung dad ko.

“Hanap ako nang hanap. It took me about 10 years to finally put the pieces of the puzzle together na, ‘Ah ito yun.’ Until I asked (my mom) if this guy is my dad. She said yes,” lahad ng aktres.

Ngunit hindi na rin daw niya na-meet nang personal ang ama nu’ng panahong yun, “When I found out who he was, he was long gone na. He passed away 2001.

“I was able to meet yung other children niya, yung cousin niya, yung ibang family members niya. Nakilala ko naman yung side na yun ng family,” pagbabahagi pa ni Jodi.

View this post on Instagram

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Nilinaw naman ng Kapamilya star  na never siyang nagkimkik ng galit sa kanyang tatay sa kabila ng ginawa nito sa kanila.

“Kasi my mom would always tell us na nasa ibang bansa nagwo-work. Hindi na talaga siya napag-usapan. Okay naman kami. 

“Wala ka namang hahanapin kasi hindi mo naman kinagisnan eh. Pero nung medyo lumaki ako, doon ko lang medyo na-feel na parang kailangan ko man lang ng acknowledgment. 

“Hindi ako manggugulo or manghihingi ng kahit ano. Gusto ko lang sabihin mo sa akin na anak mo ako,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Malaking bagay yung pagkakaroon ko ng relationship with God. Yes I may not have an earthly father but I have a heavenly Father who loves me so much and who would never reject me, and accept me for who I am,” dagdag pang pahayag ng aktres.

Jodi mas pipiliin ang magpatawad kesa maghiganti kapag niloko ng asawa: It’s for your own peace…

Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

Jodi super favorite raw ng ABS-CBN kaya sunud-sunod ang trabaho: Grabe naman, nagkataon lang siguro…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending