Boy Tapang itinangging nambugbog ng partner, nag-away dahil sa vape
NAGSALITA na ang Cebu-based content creator na si Boy Tapang o si Ronie Suan hinggil sa reklamong pambubugbog umano niya sa kanyang live-in partner na si Cristina Morales.
Sa kanyang panayam na ibinahagi ng MyTV Cebu, nagpaliwanag ang vlogger na normal na away lang raw ang nangyari sa kanila ng kanyang partner.
“Away mag-partner lang which is normal lang talaga sa mag-partner. Napuno lang talaga sa galit ‘yung partner ko. Nang dahil sa galit niya, nag-report sa pulis,” pagbabahagi ni Boy Tapang.
Inamin rin ng vlogger na ang ugat ng kanilang pag-aaway ay ang kanyang pagbabawal sa buntis na live-in partner sa paggamit ng vape.
Baka Bet Mo: Boy Tapang arestado, buntis na live-in partner binugbog
View this post on Instagram
Dahil raw doon ay binasag ni Boy Tapang ang vape ng partner pagkatapos ay nagkainitan sila at sinira pa raw ng partner niya ang mga gamit nila sa bahay.
Itinangging naman niya na sinaktan niya ang partner niya ngunit aminado siya na nagkapalitan sila ng maiinit na salita na lumala pa nang sagutin ng partner niya ang kanyang ina.
Pansamantalang nakalaya na si Boy Tapang mula sa pagkakakulong matapos itong magpiyansa.
Amin naman ng vlogger, nagkaayos na sila ng kanyang live-in partner at talagang nadala lang sila ng galit noong mga panahon na ‘yun.
Sa kabila ng kanilang pagkakaayos ay tuloy pa rin ang kasong isinampa sa kanya ng partner sa ilalim ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.