Boy Tapang binalaan ng BSP sa saranggolang gawa sa P1K bill

Boy Tapang binalaan ng BSP dahil sa saranggolang gawa sa P1K bill: Sorry po

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 02:33 PM

Boy Tapang binalaan ng BSP dahil sa saranggolang gawa sa P1K bill: Sorry po!

PERSONAL na binalaan ng mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang YouTuber na si “Boy Tapang” sa kanyang bahay kamakailan.

Nag-viral kasi sa social media ang pagpapalipad ng content creator ng saranggola na gawa sa P1,000 peso bills.

Mismong si Boy Tapang ang nag-post ng isang video sa kanyang socmed account para ipaalam sa mga netizens na pinuntahan siya sa bahay ng ilang tauhan ng BSP.

Ito’y para balaan at paalalahanan nga siya ng mga otoridad na labag sa batas ang paggamit ng pera sa mga content na ginagawa itong parang laruan.

Ang caption ng vlogger sa ibinahagi niyang video, “NAKIPAG-UGNAYAN SAKIN ANG TEAM PCIG NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS. ANG PERA AY HINDI DAPAT PAGLARUAN! I’M SORRY BSP!!!”

Baka Bet Mo: BSP nagbabala sa modus na ‘sangla-ATM’, mga mga cardholder posibleng maloko sa ‘withdrawal’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Be An INQUIRER (@beaninquirer)

May pa-shoutout din siya sa mga netizens na naaliw sa ginawa niyang saranggola na aniya’y “forda” content lang talaga ang habol niya.

“Maraming salamat sa mga nakaitindi at lalong-lalo na sa Bangko Sentral ng Pilipinas patawad sa aking nagawa at maraming salamat,” mensahe ni Boy Tapang.

In-explain din ng YouTuber na wala siyang intensyong sirain o paglaruan ang peso bills. Aniya, “for entertainment purpose only” lang daw ang naturang saranggola.

Nag-promise rin si Boy Tapang na never na niyang gagawin ang kanyang pagkakamali at natuto na siya sa mga nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa umiiral na batas, ang Presidential Decree No. 247 o “Prohibiting and Penalizing Defacement, Mutilation, Tearing, Burning or Destruction of Central Bank Notes and Coins”, bawal ang hindi tamang paggamit ng pera ng Pilipinas. Naisabatas ito noon pang July, 1973.

Nakasaad dito na paglabag sa batas ang pagsusulat o paglalagay ng kahit ano sa pera, pagpunit, paggupit o pagbutas, pagsunog, labis na paglukot o pagtupi na nakakasira sa estruktura ng pera, pagbabad sa mga kemikal na agad makakasira sa pera, at pag-staple o paglagay ng anumang pandikit.

Ang sinumang mapatutunayang lumabag dito ay magmumulta ng hindi hihigit sa P20,000 o pagkakulong ng hanggang 5 taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending