Boy Tapang arestado, buntis na live-in partner binugbog
ARESTADO ngayon ang kilalang Cebuano vlogger na si Boy Tapang o si Ronie Suan matapos umano nitong bugbugin ang buntis niyang kinakasama.
Naganap ang pag-aresto sa social media personality noong Martes, April 1, 12:28 AM.
Ayon kay Police Captain Jerry Magsayo, ang officer-in-charge (OIC) ng Alcoy Police Station, humingi ng tulong sa kanila ang kinakasama ni Boy Tapang matapos siya umanong saktan ng vlogger.
Agad ngang nagsagawa ng hot-pursuit operation ang kapulisan at nahuli rin agad ang suspek.
Baka Bet Mo: Boy Tapang binalaan ng BSP dahil sa saranggolang gawa sa P1K bill: Sorry po
View this post on Instagram
Ayon sa pulisya, nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Cristina Morales, 21 taong gulang, matapos siyang saktan ni Boy Tapang.
Ayon rin sa otoridad, bago pa man mangyari ang pananakit ay nagkaroon na ng pag-aaway ang dalawa.
Nagalit ang vlogger sa kinakasama at nagresulta ito ng umano’y pambubugbog ng vlogger sa biktima.
Hindi na rin naman nanlaban si Boy Tapang nang siya ay hulihin ng mga pulis.
Ayon sa kanyang ka-live in partner, matagal na siyang sinasaktan at inaabuso ng content creator ngunit nagtitiis lang siya dahil sa pagmamahal at takot.
Nahaharap ngayon ang vlogger sa kasong Physical Abuse alinsunod sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.