Angillyn Gorens may ibang anak na sa Amerika, sey ni Buboy Villar

Angillyn Gorens may ibang anak na sa Amerika, Buboy Villar humingi ng respeto

Therese Arceo - April 05, 2025 - 08:26 PM

Angillyn Gorens may ibang anak na sa Amerika, Buboy Villar humingi ng respeto

IBINUNYAG ng actor-comedian na si Buboy Villar na gaya niya, mayroon na ring ibang anak ang dating karelasyon na si Angillyn Gorens.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, inamin niya na nagkaroon na rin ng anak ang dating karelasyon matapos ang kanilang hiwalayan.

Sa kabila raw ng pagkakaroon ng anak sa iba ni Angillyn ay wala siyang ibang sinabi at hindi siya nagalit sa nangyari.

“Tito Boy, gusto ko lang po, para sa akin, nakakalungkot mang sabihin, gusto ko rin sana, parang nirerespeto niya rin sana kung ano ako. Kasi siya, Tito Boy, I promise, I swear to God, nirerespeto ko po siya,” pagbabahagi ni Buboy.

Baka Bet Mo: Buboy Villar sa mga pasa ni Angillyn: Hindi po talaga galing sa akin ‘yun

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagkatapos nito ay What binahagi niya na may naging karelasyon na rin si Angillyn matapos nilang maghiwalay at nagkaroon siya ng anak rito.

“Simula nga noong nagkaanak rin siya sa bago niya, hindi naman po ako nagsalita, Tito Boy.

“Bago po ako nagkaanak, nagkaanak na rin po siya [Angillyn] Tito Boy, doon po sa Amerika. Hindi po ako nagalit,” sabi pa ni Buboy.

Siya pa nga raw mismo ang nagtanong sa dating karelasyon tungkol sa bago nitong anak matapos niyang makita ang picture sa story na ibinahagi nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng nalaman ay walang naramdamang galit si Buboy kay Angillyn at sinabing gusto niya lang masagot nang maayos ang mga anak sakaling magtanong ito tungkol sa ina.

“Hindi ako para pakialaman ko po ‘yung buhay niya. Mine-make sure ko lang po, kasi para alam ko rin po ‘pag nagtanong sa akin ‘yung anak ko. Alam ko rin po kung ano ang sasabihin. Hindi po yung parang, ‘Ah talaga? Bago sa akin ‘yun. I didn’t know that,'” paliwanag ni Buboy.

Bukod sa kanyang rebelasyon ay isa-isa rin niyang sinagot ang mga paratang sa kanya ni Angillyn gaya ng sustento sa mga anak at pati ang umano’y pananakit niya rito na walang katotohanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending