Buboy Villar sa mga pasa ni Angillyn: Hindi po talaga galing sa akin ‘yun
ISA-ISANG sinagot ng aktor at komedyanteng si Buboy Villar ang mga isyung ibinabato sa kanya ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nausisa ang aktor kung ano nga ba ang kanyang side of the story sa kasalukuyang isyung ibinabato laban sa kanya.
Isa sa mga nilinaw ni Buboy ang isyung sinasaktan niya physically si Angillyn noong sila ay magkarelasyon na wala namang katotohanan.
Giit niya, hindi niya pinagbuhatan ng kamay kailanman ang kanyang ex-partner.
Baka Bet Mo: Buboy Villar sa paratang ni Angillyn Gorens: ‘Malabong saktan ko siya’
Instagram पर यह पोस्ट देखें
“Tito Boy, pananakal, panununtok, hindi ko kayang gawin ‘yan. Hindi ko po magagawa sa kaniya ‘yan,” saad ni Buboy.
Aniya, hindi sa kanya galing ang mga nakuhang pasa ni Angillyn.
“Nagpapa-dede siya ng anak namin, nakikita ko ‘yun, sasakalin ko po, or mayroon pa po akong nabasa na tinutukan ko po siya ng kutsilyo. Sa pagtutok ng kutsilyo, pananakit, nakita ko ‘yung mga pasa sa screenshot. Ang hirap nito Tito Boy na parang sabihin in public sa problema, kasi hindi po talaga galing sa akin ‘yun,” sey pa ni Buboy.
Hindi raw masabi ng aktor sa publiko ang isyung ito para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak at alam nila ni Angillyn kung ano ang pinagdaraanan ng huli.
“Alam niya kung saan galing ‘yung pasa na ‘yun at hindi po galing sa akin ‘yun,” sabi pa ni Buboy.
Bukod pa rito, may respeto siya kay Angillyn at minahal niya ito kaya malabong masaktan ito.
Lahad ni Buboy, “Kahit kailan, hindi pumasok sa isipan ko po na ilagay ang aking mga kamay sa kaniya o saktan siya. Hindi ko po gagawin ‘yun, napakalabo, mahal na mahal ko po ‘yung mga anak ko. May respeto po ako sa kaniya, minahal ko po siya, hindi ko po gagawin sa kaniya ‘yun.
“Hindi ko po siya pinagbuhatan ng kamay, hindi totoo na [sinakal ko siya habang nagpapa-dede]. Wala po akong kinalaman.”
Aminado rin si Buboy na sa ngayon ay masama ang loob niya dahil sa mga isyung naglalabasan.
“To be honest, ayoko maging hipokrito. Galit po ako, naiinis. Lagi po ako nagpe-pray Tito Boy… sana mag-heal siya para sa dalawa naming anak,” lahad ni Buboy.
Para sa mga hindi aware, may dalawa siyang anak sa dating partner na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Kamakailan rin ay ibinandera ni Buboy sa madlang pipol ang kanyang third baby sa new partner na si Isay Sampiano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.