PBBM sa pagiging close ngayon nina VP Sara at Rodrigo Duterte: ‘Glad I could help’

President Bongbong Marcos, Vice President Sara Duterte, ex-President Rodrigo Duterte
“GLAD I could help.”
Ito ang naging reaksyon at sagot ni Pangulong Bongbong Marcos matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na siya ang naging daan para sa magkaayos sila ng ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Huwebes, April 3, ikinuwento ni President Communications Undersecretary Claire Castro na nabanggit niya sa presidente ang pasasalamat ni VP Sara.
Ang tanging isinagaot lamang sa kanya ng chief executive ay masaya raw ito dahil nakatulong siya sa mag-ama.
Ngunit nilinaw ni Castro na bukod kay Marcos, ito rin ay dahil sa naging kaso ni Mr. Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos binalaan sa ‘pa-thank you’ ni Sara Duterte, patibong lang daw
“It’s better if VP Sara thanked her father, the former President Duterte himself,” sey ng Communications undersecretary sa ulat ng INQUIRER.
Patuloy niya, “If she had a chance to spend time with her father, that’s because of the EJK [extra judicial killing] cases.”
Aniya pa, “If the action against war on drugs didn’t happen and if there was no complainant, they won’t have the chance to get to The Hague.”
Magugunitang ibinunyag ni VP Sara sa isang panayam sa The Hague, Netherlands na ngayon lang sila nagkasundo ng kanyang ama kaya lubos ang pasasalamat niya kay Marcos.
“This really is ironic, but I have to thank Bongbong Marcos because there was forgiveness between me and [former President Rodrigo Duterte] for all that has happened in our lives,” sey niya.
Giit niya, “And we have a relationship now – a father-daughter relationship.”
Inamin din ng bise presidente na feeling blessed siya dahil nakakapag-usap na sila nang matagal ng kanyang ama.
Inalala pa nga niya ‘yung mga panahon na laging busy si Mr. Duterte kaya wala itong oras upang makapag-bonding hanggang sa lumaki na siya.
“Now, I have this every day with him, talking about life, talking about family, and for that, I feel that I am blessed, because at this point, he is already 80. He is already retired,” chika ng vice president.
Patuloy niya, “We were given this time to talk as father and daughter.”
“Sad that it has to happen inside the ICC. But yes, thank you to him,” wika pa niya na tinutukoy ang kasalukuyang presidente.
Magugunitang nauna nang inamin ni VP Sara na masaya siya dahil naging malapit siya sa kanyang half-sister na si Kitty sa kabila ng mga pag-atake sa kanyang pamilya.
Samantala, kasalukuyang nakadetine ang dating pangulo matapos maglabas ng arrest warrant ang ICC kaugnay ng mga kasong crimes against humanity dahil sa kanyang giyera kontra droga noong siya’y nanunungkulan.
Sa September 23 ang nakatakdang hearing ng confirmation of charges ni Duterte.
Sa pagdinig na ito, maaari niyang labanan ang mga akusasyon, kwestyunin ang ebidensya ng prosekusyon, at ibandera ang sariling ebidensya.
Ayon sa ICC judges, kung hindi makumpirma ang mga kaso laban kay Duterte, hindi na magpapatuloy ang paglilitis.
Sa ilalim ng war on drugs o Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte, mahigit 6,000 katao ang nasawi batay sa datos ng gobyerno.
Gayunpaman, tinatayang nasa 12,000 hanggang 30,000 ang totoong bilang ng mga nasawi mula 2016 hanggang 2019, ayon sa mga human rights watchdog at ICC prosecutor kung saan marami sa mga ito ay pinaniniwalaang extrajudicial killings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.