VP Sara nakauwi na ng Pilipinas matapos mabuo ang legal team ni ex-Pres. Duterte

PHOTO: Facebook/Inday Sara Duterte
MAKALIPAS ang halos isang buwan sa The Netherlands, lumuwas na ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte.
Ito ay kinumpirma mismo ng Office of the Vice President (OVP) sa isang advisory.
“Vice President Sara Duterte arrived at Ninoy Aquino International Airport on Sunday, 06 April 2025, at approximately 9:56 p.m. (Philippine Standard Time) via Emirates Airlines flight no. EK 334, following her recently concluded trip to The Hague, Netherlands,” sey ng OVP nitong Lunes, April 7, na iniulat ng INQUIRER.
Baka Bet Mo: PBBM sa pagiging close ngayon nina VP Sara at Rodrigo Duterte: ‘Glad I could help’
Bago umuwi, sinigurado ni VP Sara na nabuo at nakumpleto na ang legal team para sa kanyang ama na kasalukuyang hawak ng International Criminal Court (ICC).
Magugunita noong Biyernes, April 4, inanunsyo ng bise presidente na excited na siyang umuwi sa ating bansa after niyang asikasuhin ang mga magiging abogado ng dating pangulo.
Kung matatandaan, noong March 13 nang unang dumating sa Netherlands si VP Sara upang i-assist ang kanyang ama.
Nakaditene si Mr. Duterte sa ICC detention center sa Scheveningen, The Hague matapos arestuhin dahil sa kasong crimes against humanity.
Ito ay nag-ugat sa kanyang madugong giyera laban sa droga na pumatay ng halos 6,000 na katao, ngunit ayon sa human rights groups, aabot ng 20,000 ang mga napaslang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.