Semana Santa 2025: Produktong petrolyo may bawas-presyo

Semana Santa 2025: Produktong petrolyo may ‘bigtime’ na bawas-presyo

Pauline del Rosario - April 14, 2025 - 11:14 AM

Semana Santa 2025: Produktong petrolyo may ‘bigtime’ na bawas-presyo

INQUIRER file photo

GOOD news sa mga motorista ngayong Semana Santa!

Malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang asahang ipatutupad ng ilang oil companies simula Martes, April 15.

Sa magkahiwalay na abiso na iniulat ng INQUIRER, inanunsyo ng Seaoil at Shell Pilipinas na bababa ng P3.60 kada litro ang presyo ng gasolina.

Baka Bet Mo: Semana Santa 2025: Alamin ang mga tradisyong Pinoy, bakasyon ba o pagninilay?

Hindi rin pahuhuli ang diesel na P2.90 kada litro ang mababawas, habang P3.30 kada litro naman ang kaltas sa kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong may rollback sa petrolyo. 

Ayon sa mga analyst, konektado ito sa bagong ipinataw na mas mataas na taripa ni US President Donald Trump sa halos lahat ng imported goods, na maaaring magdulot ng paghina sa pandaigdigang ekonomiya.

Kaya naman kung balak mong bumiyahe ngayong Mahal na Araw, swak na swak ang timing ng matinding bawas presyo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending