Semana Santa 2025: 15 patay matapos malunod, ayon sa PNP

Semana Santa 2025: 15 patay matapos malunod, ayon sa PNP

Pauline del Rosario - April 19, 2025 - 04:36 PM

Semana Santa 2025: 15 patay matapos malunod, ayon sa PNP

AABOT sa 15 ang bilang ng mga namatay ngayong Semana Santa.

Ito ay ayon sa Philippine National Police (PNP) na iniulat ng INQUIRER nitong Biyernes Santo, April 18.

Base report ng PNP, ang sanhi ay puro pagkalunod mula sa iba’t-ibang insidente at bahagi ng bansa.

Mas marami raw ang mga batang binawian ng buhay, kaysa sa mga matatanda –walong menor de edad at pitong matatanda. 

Baka Bet Mo: Semana Santa 2025: Ai-Ai delas Alas 1st time maki-join sa ‘pilgrimage’

Ang mga insidente ng pagkalunod ay naitala sa mga sumusunod na rehiyon:

Dalawang bata sa Ilocos Region

Tatlong matatanda sa Central Luzon

Dalawang bata at dalawang matatanda sa Calabarzon

Isang bata sa Mimaropa

Dalawang bata at isang matanda sa Bicol Region

Isang bata sa Western Visayas

Isang matanda sa Cordillera Administrative Region

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Marbil, dapat mas pag-ibayuhin ng mga resort operator at mga lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng seguridad sa mga bakasyonista, lalo na ngayong panahon ng Holy Week kung kailan dagsa ang mga tao sa mga ilog, dagat, at iba pang lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“These heartbreaking incidents are a painful reminder of how quickly accidents can happen,” sey ni Marbil sa isang pahayag.

Mensahe pa niya, “I am appealing to everyone: never leave minors unattended near water, always wear life vests when necessary, and avoid swimming in areas without lifeguards or safety supervision.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending