Semana Santa 2025: Alamin ang mga tradisyong Pinoy

Semana Santa 2025: Alamin ang mga tradisyong Pinoy, bakasyon ba o pagninilay?

Pauline del Rosario - April 11, 2025 - 05:17 PM

Semana Santa 2025: Alamin ang mga tradisyong Pinoy, bakasyon ba o pagninilay?

ISANG linggo ng pananahimik, pagninilay, at pananampalataya.

Ganito mailalarawan kung paano ginugunita taon-taon ang Semana Santa ng simbahang Katoliko.

Pero ano nga ba ang Holy Week at bakit ito espesyal sa ating mga Pinoy?

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ito ang pinakabanal na linggo sa kalendaryo ng mga Katoliko at panahon ng pagninilay, panalangin, at pagsisisi.

Baka Bet Mo: Semana Santa 2025: Schedule ng mga mall sa Metro Manila ibinandera na

Inaalala rito ang paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus. 

Nagsisimula ito sa Palm Sunday (Linggo ng Palaspas) at nagtatapos sa Easter Sunday (Linggo ng Pagkabuhay).

Sinabi rin ng CBCP na ito ang pagkakataon para balikan ang mga turo ni Kristo at ayusin ang ating relasyon sa Diyos, pati sa kapwa.

Hindi kumpleto ang Holy Week kung walang mga kinagisnang tradisyon. 

Heto ang ilan sa mga taunang ginagawa ng maraming Pilipino:

Palaspas sa Palm Sunday 

Simbolo ito ng pagtanggap kay Hesus bilang Hari. 

Pinapabasbasan ang mga palaspas sa misa at isinasabit sa pinto bilang panangga raw sa malas o masamang espiritu.

Pabasa ng Pasyon

Isang mala-musikang pagbigkas ng buhay at sakripisyo ni Kristo. 

Bukod sa pagiging panata ng ilan, bonding moment din ito ng mga kapitbahay, lalo na kung may libreng lugaw o kape!

Bisita Iglesia

Pagbisita sa pitong simbahan sa Huwebes Santo para sa dasal at pagninilay. 

Bonus na rin ang “food trip” sa bawat stop, pero siyempre, dasal muna bago kain!

Senakulo

Dula-dulaan o reenactment ng buhay ni Kristo. 

Minsan may special effects pa at intense na acting, parang mini-biblical movie sa barangay plaza.

Prusisyon at Penitensya

May mga nagpepenitensya sa pamamagitan ng paglalakad nang nakayapak, pagbubuhat ng krus, o kahit pagpalo sa sarili. 

Ang iba ay nakikita ito bilang sakripisyong alay sa Diyos. 

Ayon sa mga eksperto, hindi ito kailangan para mapatawad, pero iginagalang ito bilang panata.

Salubong at Pagkabuhay

Tuwing Easter Sunday ginaganap ang Salubong kung saan sinisimbolo na muling nabuhay si Hesus. 

May pa-angel na bumababa, may banda, at masaya ang atmosphere—parang fiesta!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon, kahit maraming busy o nasa ibang bansa, ginagawan pa rin ng paraan ng mga Pinoy na makiisa sa Semana Santa.

Lalo na ngayon na high-tech na –kaya meron nang online mass, e-pabasa, at digital Visita Iglesia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending