Tradisyon, iba pang ganap ng mga celebrities tuwing Semana Santa

Tradisyon, iba pang ganap ng mga celebrities tuwing Semana Santa

Pauline del Rosario - March 25, 2024 - 06:00 PM

Tradisyon, iba pang ganap ng mga celebrities tuwing Semana Santa

TUWING Semana Santa, nakagawian na ng mga Pilipino ang ilang tradisyon upang bigyang-pugay ang mga sakripisyo na ginawa ni Hesus Kristo sa sangkatauhan.

Para sa mga Katoliko, ito ang isa sa mga pinakamahalagang okasyon na nagpapakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagdarasal o pagsasagawa ng mga prusisyon.

Ang Holy Week ngayong taon ay sa March 24 (Palm Sunday) hanggang March 31 (Easter Sunday).

Nakapanayam ng BANDERA ang ilan sa mga bigating artista upang usisain ang kanilang mga ganap at tradisyon tuwing sasapit ang Mahal Na Araw.

Baka Bet Mo: Warning ng PAGASA ngayong Holy Week: ‘Mag-ingat dahil mas magiging mainit’

Barbie Forteza

Ayon sa aktres na si Barbie Forteza, wala silang tradisyon na ginagawa, pero ito raw ‘yung panahon na talagang bumabawi siya sa kanyang pamilya upang maka-bonding.

“I always make sure –kasi wala naman talagang work kapag Holy Week na I get to spend time with my family. ‘Yung time na hindi ko naibibigay sa kanila kasi busy ako sa trabaho, talagang pinagkakasya ko sa Holy Week na talagang na-e-enjoy naman namin,” sagot niya.

Dagdag pa niya, “We usually stay at home and spend time together.”

David Licauco

Para naman sa Kapuso heartthrob na si David Licauco, every year silang nagbi-Bisita Iglesia ng kanyang pamilya.

“We usually go to seven churches from Quezon City to Pasig to Makati and then we end up to Tagaytay. So ‘yun ‘yung usual na tradition namin ng family,” kwento ng aktor.

Nang tanungin naman siya kung ano-ano ang mga sakripisyo na kanyang ginagawa tuwing Semana Santa.

Ang sagot niya, “I try not to eat pork, I try not to eat meat, ayun.”

Miggy Jimenez

Wala namang ganap ang aktor na si Miggy Jimenez, basta ang mahalaga raw ay kasama niya ang pamilya.

“I wanna go to the beach sana or mag-travel pero parang walang time kasi nagpe-prepare din. So basically, bahay nalang siguro,” sambit niya.

Paliwanag niya pa, “Ako, okay na ako doon basta kasama ko ang family ko and malaking bagay na po ‘yung pahinga.”

Gabby Eigenmann

Tulad ni Miggy, hindi na rin nag-plano ng lakad ang batikang aktor na si Gabby Eigenmann, lalo na raw naging abala sila nang pumanaw ang ina ng kanyang half-sister na si Andi.

“Usually, we’re out of the country,” tugon ni Gabby sa aming tinanong.

“Pero medyo hectic lang ‘yung schedule. Hindi kami nakapag-plan ahead because of ‘yun nga on what happened weeks before [Holy Week], so hindi na muna namin pinagtuunan ng pansin ‘yung gagawin namin sa Holy Week,” chika niya.

Dagdag ng aktor, “Pero if ever naman kapag may mga last minute planning, baka dito dito lang. We don’t know if we can fly kasi nga puno na ‘yan eh, lalo na pag Holy Week. But most definitely, kasama ko lang ang pamilya ko. So kami-kami lang.”

EA Guzman

“Every year naman, nag-out of town kami and this year, ganun din ang gagawin namin,” saad naman ng aktor na si EA Guzman.

For this year daw ay magbo-bonding sila ng kanyang pamilya sa Batangas.

“Para sa akin, yearly na talaga siya kasi ‘yun ang time ko with the family, the whole time, especially kay mommy. So ayun, sa Batangas kami this Holy Week,” pagbabahagi ng aktor.

Baron Geisler

Hindi tulad ng mga nakagawian ni Baron Geisler, mananatili lang daw siya at ang kanyang pamilya sa kanilang bahay.

“‘Yung tradisyon namin ng mommy ko, every year pupunta kami ng Bicol kasi taga-Bicol kami. Para mag-prusisyon,” sambit niya.

Chika pa niya, “Sobrang religious kami before, but now nagbago na, we’re more on kahit sa bahay lang kami, bond lang with the family –talk and eat our hearts out and enjoy each other’s company.”

Jayda Avanzado

Para sa singer-actress na si Jayda Avanzado, simple lang ang karaniwang ginagawa nila tuwing Holy Week.

“My parents and I were Christians, so we definitely take a moment to reflect on the word of God and just spend time with each other as a family since that’s also what it is about,” lahad niya sa interview.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya alam kung ano ang plano nila ng celebrity parents na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

“Kasi parang sobrang busy din kami, like, lahat kami ngayon ay may kanya-kanyang schedules,” aniya.

Cristine Reyes

“Tradisyon namin during Holy Week, usually, talagang ang gusto lang ng mommy namin is to stay home lang talaga and reflect, time to pray,” kwento ng aktres na si Cristine Reyes.

Pagbabahagi pa niya, “Pero kasi minsan ‘diba pag sa busy work life, ‘yun lang ang nakukuhang schedule para magbakasyon with the family, so minsan we go out-of-town or out-of-the-country, pero usually talaga sa bahay lang talaga.”

Kokoy de Santos

“Ang nakasanay talaga namin, pupunta kami sa probinsya namin sa Quezon, pero ‘yung this year, baka bahay lang kami. Sa bahay kami magninilay-nilay kasama ‘yung pamilya ko,” ayon kay Kokoy de Santos.

Ani pa niya, “‘Yung Bisita Iglesia, parang matagal na ‘nung huli pero nakasanayan na ‘yun ng pamilya eh. Ako ‘nung bata ako, laging ganun. Pero last ko siguro, parang pre-pandemic pa eh.”

Rayver Cruz

Mukhang makakapagbakasyon naman ang aktor na si Rayver Cruz dahil ayon sa kanya, may naka-plano na ang kanyang kapatid na si Rodjun kasama siya.

“Palagi lang kami nag-out of town nila ni Rodjun and ang alam ko, nag-set sila ngayon. So makakasama pa ako bago mag-Canada,” sambit niya.

Ronnie Liang

Kahit busy sa kanyang serbisyo bilang sundalo, ibinunyag ni Ronnie na madalas silang magbakasyon sa beach tuwing Holy Week.

Katulad ni EA, magpupunta rin daw sila sa Batangas ngayong taon.

“Usually, pumupunta kami sa dagat. Sa Batangas [kami] this Holy Week…hanggang Holy Saturday,” saad ni Ronnie.

Paglilinaw niya, “Pero pag may emergency, ang sundalo kasi 24/7 so pupuntahan ko, pero sila (family) andoon lang [sa Batangas].”

Pagdating sa sakripisyo na ginagawa tuwing Semana Santa ay hindi na ito bago para sa singer-actor dahil araw-araw naman daw niya itong ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Actually, araw-araw nagsa-sacrifice ako. Hindi kasi ako kumakain masyado ng gabi at almusal,” chika niya.

Patuloy niya, “Tapos hindi ako mapag-baboy, puro isda ako [at] manok. Tapos ‘yung manok walang balat. Puro tubig. Wala akong night life, wala akong bisyo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending