#LongWeekendTips: Mga dapat at hindi dapat gawin ngayong Holy Week break
PAPALAPIT na ang Holy Week, mga Ka-Bandera! For sure, marami na sa inyo ang nakapag-set ng lakad upang sulitin ang mahabang bakasyon sa trabaho at sa pag-aaral.
Isa ang Mahal na Araw sa mga religious events na pina-practice hindi lang sa ating bansa kundi sa bawat sulok ng mundo.
Kadalasan, ginagamit natin ang panahon ng Holy Week upang magnilay-nilay, pagbabaliktanaw sa ginawang pagsasakripisyo ni Hesus upang sagipin ang sanlibutan at magsisi sa mga kasalanang nagawa.
Ngayong taon ay magaganap ang Mahal na Araw simula April 3 (Holy Monday) hanggang April 9 (Easter Sunday) at simula Maundy Thursday (April 6) hanggang Black Saturday (April 8), itinuturing itong holiday sa ating bansa.
May ilan rin naman na gagamitin ang ilang araw na pahinga para mag-out of town kasama ang barkada at dumalaw sa mga kaanak na matagal nang hindi nakakasama.
Baka Bet Mo: NCRPO magpapakalat ng halos 5k na pulis sa Holy Week
Kung isa ka man sa maraming Pinoy na pinipiling mag-travel ngayong Mahal Na Araw, narito ang ilang mga do’s and don’ts na dapat tandaan upang manatiling ligtas, mga Ka-Bandera!
MGA DAPAT GAWIN PARA SA MGA NAGNANAIS MAGBAKASYON O MAGPUNTA SA IBANG LUGAR:
Siguraduhing walang mga appliances na nakasaksak bago iwanan ang bahay upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.
Siguraduhing naka-lock mabuti ang mga pintuan at maayos na nakasara ang mga bintana upang makaiwas sa mga masasamang loob na maaaring magnakaw ng inyong mga kagamitan.
Kung kaya naman ng budget ay maaaring mag-install ng Closed-Circuit Television o CCTV sa loob at labas ng bahay upang ma-monitor kung may mga umaaligid o nagtatangkang mangloob sa inyong tirahan.
Kung ikaw naman ay nagbabalak na mag-commute lamang o kinakailangang sumakay ng barko o eroplano, siguraduhing kumpleto ang iyong mga kagamitan gaya ng ID at ticket para sa maayos na paglalakbay.
Kung ikaw naman ay may sariling sasakyan na gagamitin, i-check maigi ang makina, gulong, at iba pang parts ng sasakyan bago mag-long drive.
I-check kung may sapat na gasolina upang maiwasan ang pagtirik sa daan.
Siguraduhin ring palaging may baong tubig saan man mapunta upang maiwasan ang pagkakaroon ng heatstroke dahil sa init ng panahon.
Magdasal at humingi ng gabay para sa ligtas na paglalakbay.
MGA DAPAT GAWIN PARA SA MGA MANANATILI SA TAHANAN UPANG MAGNILAY-NILAY:
Irespeto at huwag kutyain ang mga taong nagpapabasa.
Siguraduhin nakapatay ang mga kandila bago matulog.
Magdasal.
MGA HINDI DAPAT GAWIN PARA SA MGA NAGNANAIS NA MAGBAKASYON O MAGPUNTA SA IBANG LUGAR:
Huwag i-post sa social media ang araw ng inyong pag-alis upang maiwasan ang maka-attract ng mga magnanakaw.
Huwag namg pilitin ang sariling sumali sa mga prusisyon kung hindi mabuti ang pakiramdam.
Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas at malalaking halaga ng pera.
Huwag pumunta sa mga simbahan para lang pumorma. Magdasal. Magnilay.
MGA HINDI DAPAT GAWIN PARA SA MGA MANANATILI SA TAHANAN UPANG MAGNILAY-NILAY:
Iwasan ang pagpapatugtog mg malalakas na kanta.
Iwasan ang pagkain ng karne.
Ang Holy Week ay isinagawa upang mag-reflect sa inyong buhay at mas pagtibayin ang koneksyon na mayroon ka sa Panginoon.
Always remember, respetuhin ang mga paniniwala ng bawat isa at palaging piliing maging mabuting tao.
Other Chika:
Michael V naholdap nang mag-Holy Week sa ibang lugar: ‘Kaya maigi rin namang mag-stay na lang sa bahay’
Kris pahinga sa socmed ngayong Holy Week, magpo-focus muna kay Lord
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.